Monday, June 10, 2019

Tagalog News: 7 dating NPA sa Palawan, tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan

From the Philippine Information Agency (Jun 10, 2019): Tagalog News: 7 dating NPA sa Palawan, tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Check distribution

Sina Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez (gitna) at DILG-Palawan Provincial Director Engr. Rey S. Maranan (naka-polo na puti) habang personal na ibinibigay sa mga rebeldeng nagbalik-loob na sa pamahalaan ang tulong pinansiyal mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program at Local Social Integration Program (LSIP). (Larawan mula sa Palawan Provincial Information Office)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 7 (PIA) -- Binigyan ng tulong-pinansiyal ng pamahalaan ang pitong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Palawan na nagbalik-loob na sa gobyerno.

Ito ang inihayag ni Captain Jordan Mijares, Chief Public Information Office ng 3rd Marine Brigade sa press conference ng Western Command (WESCOM) kamakailan.

Ang nasabing tulong pinansiyal ay sa pamamagitan Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaang nasyunal sa pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Local Social Integration Program (LSIP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Bawat isa sa pitong dating miyembro ng NPA na nagbalik loob na sa pamahalaan ay tumanggap ng P65,000 mula sa E-CLIP at P25,000 naman mula sa LSIP.

Ang pagkakaloob nito ay isinagawa sa Governor’s Conference Room ng Gusaling Kapitolyo at pinangunahan nina Gob. Jose Ch. Alvarez, DILG Provincial Director Rey S. Maranan, Joint Task Force Peacock Deputy Commander Col. Edwin M. Amadar, Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña at Provincial Information Office-OIC Ceasar Sammy Magbanua.

Maliban sa tulong-pinansiyal ay sumailalim din ang mga ito sa mga pagsasanay na isinasagawa ng pamahalaang panalalawigan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Agriculture (DA) upang masiguro na magiging matagumpay ang kanilang pagbabalik komunidad.

Ayon sa pamunuan ng WESCOM, ang pagpapatupad ng E-CLIP at LSIP para sa rekonsilyasyon at integrasyon ng mga dating rebelde sa sosyiedad ay nagpapakita lamang na ang Nasyunal at Lokal na Pamahalaan ay seryoso upang makamit ang tunay na kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad.

Plano naman ng pamahalaang panlalawigan na magtayo ng halfway house para sa mga rebeldeng magbabalik-loob sa pamahalaan.

https://pia.gov.ph/news/articles/1022897

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.