Monday, March 11, 2019

CPP/NPA-Cagayan: Hakbang parusa sa sagadsaring mag-amang trader-usurero na Abraham at Sammy Aurelio, ipinatupad ng Henry Abraham Command

NPA-Cagayan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 11,2019): Hakbang parusa sa sagadsaring mag-amang trader-usurero na Abraham at Sammy Aurelio, ipinatupad ng Henry Abraham Command

Ester Falcon
NPA-Cagayan (Henry Abraham Command)
March 11, 2019

Alas-7 ng gabi noong ika-5 ng Marso sa Baranggay Imurong, Baggao nang tinupok ng apoy ang tatlong makinarya ng sagadsaring mag-amang trader-usurero, sina Abraham at Sammy Aurelio.

Sinunog ng isang yunit ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Henry Abraham Command ang mga makinarya ng mag-amang Aurelio bilang hakbang-parusa sa kanilang pakikipagsabwatan sa mga ahente-militar upang patindihin ang kanilang pagsasamantala sa magsasaka sa bayan ng Baggao at Peñablanca.

Aktibo ang mag-amang Aurelio sa pakikipagsabwatan sa Military Intelligence Group (MIG) sa ilalim ng 5th Infantry Division (5th ID) ng Philippine Army. Ang ilan sa mga goons ni Abraham ay kabilang sa MIG o mga undercover agent ng militar. Ang kanyang anak na si Sammy ay isang military intelligence. Sa katunayan, magkasanggang-dikit sila ni Dexter Remodaro, isa sa mga nasugatang kasapi ng MIG nang nireyd ng Henry Abraham Command ang kanilang safehouse sa San Jose, Baggao noong 2017.

Tahasang ginagamit ni Abraham Aurelio ang kanyang direktang ugnayan sa MIG upang higit na makapagkamal ng lupa at gipitin nang todo-todo ang mga magsasaka pabor sa kanyang makasarili at mapandambong na interes.

Bilang trader-usurero, ang matandang Abraham ay nagpapautang sa napakataas na interes na humigit-kumulang sa 50%.

Sa mga di na kayang magbayad ng utang, sinasanlan ni Abraham ang kanilang lupang sakahan batay sa kanyang itatakdang halaga. Hindi pababayaran ang interes ng utang pero mananatili silang magbabayad ng prinsipal na utang. Siya rin ang masusunod kung mananatili sa magsasaka ang lupa o ipabubungkal niya sa iba.

Ineembargo rin ni Abraham ang lupa ng nakautang sa kanya. Gagawin niyang kasamak ang magsasakang sapilitang kinuhanan ng lupa at pagbabayarin ng upa sa lupa sa sistemang muerto o fixed-rent, habang pinapabayaran pa rin ang prinsipal na utang.

Sa ganitong di makataong relasyon sa pagitan ng trader-usurero at ng magsasaka, nakakapagkamal ang mag-amang Aurelio ng daan-daang ektaryang lupain partikular sa mga barangay ng Imurong at San Miguel sa Baggao at sa Barangay Nangilatan sa bayan ng Peñablanca.

Noong 2012, si Abraham Aurelio ay dinisarmahan ng NPA. Nakuha sa kanya ang isang ingram, isang backshot at isang baby M16 armalite. Ginagamit niya ang mga ito na panakot sa kanyang mga binibiktimang magsasaka.

Ang hakbang parusang ito ay mahigpit na babala sa mga katulad ng mag-amang Aurelio na sagadsaring trader-usurero at panginoong maylupa.

Hindi magdadalawang-isip ang NPA na magpataw ng karampatang sanction o hakbang-parusa sa balangkas ng rebolusyonaryong hustisya sa sinumang napatunayang may paglabag sa batas at patakaran ng rebolusyonaryong gubyernong bayan.

Itaguyod ang rebolusyonaryong hustisya!

Wakasan ang pagsasamantala sa mga magsasaka!

Magkaisa magsasaka, isulong ang rebolusyong agraryo!

https://www.philippinerevolution.info/statement/hakbang-parusa-sa-sagadsaring-mag-amang-trader-usurero-na-abraham-at-sammy-aurelio-ipinatupad-ng-henry-abraham-command/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.