Maria Roja Banua
Spokesperson | NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines
December 10, 2018
Nakikiisa ang NDF-Bikol sa paggunita ng sambayanang Pilipino ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Tao ngayong ika-10 ng Disyembre. Sa gitna ng rumaragasang pasistang terorismo ng rehimeng US-Duterte na walang ibang idinulot kundi ang malaganap at sistematikong paglabag sa karapatang-tao, patuloy na lumalakas at lumalawak ang panawagan ng mamamayan para sa katarungan, kalayaan at kapayapaan.
Ipinailalim na ng rehimen ang bansa sa isang de-factong Batas MIlitar. Pormal rin nitong pinailalim sa militarisasyon at paghaharing militar ang kalakhan ng bansa matapos ibaba ang MO 32 at sa aktwal, tahasan nang irinaragasa ang paghaharing teror sa buong bansa. Handa nitong ikasa ang malawakang pagpaslang at pagsikil sa mga batayang demokratikong karapatan ng mamamayan upang ganap nitong maitayo ang isang pasistang diktadura sa pamamagitan ng manipulasyon sa eleksyong 2019 at pagratsada ng Cha-Cha at bogus na pederalismo.
Pinakamarahas at pinakabrutal nitong ikinakasa ang kanyang madugong tripleng gera laban sa mamamayan. Target nito ang mga sibilyan, lalo na ang masang magsasaka, upang maghasik ng takot. Ito ay sa layuning supilin ang nag-aalab na damdamin ng sambayanan na nagnanais ng mga lehitimo at demokratikong kahingian. Maging ang mga demokratikong pwersa sa hanay ng mga sibilyang institusyon tulad ng mga kagawad ng midya at mga taong-simbahan ay hindi pinalampas.
Isa ang Kabikulan sa pinaglulunsaran ng pinakamadugo at pinakamararahas na pasistang bigwas at paglabag sa karapatang-tao ng rehimen. Hindi bababa sa limang masaker ang naganap dito sa rehiyon sa ilalim ng rehimen, pinakamarami sa buong bansa. Isa sa mga kasong ito ay ang pamamaslang sa tatlong magsasaka sa Brgy. Patalunan, bayan ng Ragay sa prubinsya ng Camarines Sur. Nilapastang ang katawan ng dalawa habang ilinibing naman ng buhay ang isa pa. Walang awa rin pinaslang ang isang lola, edad 70 taong gulang, kasama ang kanyang dalawang apo, edad 2 at 9 na taong gulang, sa Cawayan, Masbate. Ang iba pang kaso ay ang pamamaslang sa tatlong magsasaka sa Bato, Camarines Sur; apat sa Casiguran, Sorsogon; at apat na kabataan sa Aroroy, Masbate. Ang salarin sa lahat ng mga kasong ito ay ang 9th IDPA ng mersenaryong AFP. Nangunguna rin ang Bicol sa bilang ng pinakaraming biktima ng pulitikal na ekstrahudisyal na pamamaslang (EJK) sa buong Luzon at pangalawa sa buong bansa. Ika-apat naman ito sa pinakamaraming bilang ng mga bilanggong pulitikal sa Pilipinas. Libu-libo pang masa ang dumanas ng maraming anyo ng abusong militar kabilang ang sikolohikal na pananakot at pamiminsala sa kanilang kabuhayan.
Lalo lamang darami ang patung-patong na kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa pagpataw ng Rehimeng US-Duterte ng MO 32. Inaatasan nito ang mersenaryong AFP-PNP, mga armadong makinarya ng estado at pangunahing lumalabag sa karapatang-tao, na higit paigtingin ang presensya at mga operasyon nito sa Rehiyon ng Bicol at sa mga prubinsya sa mga isla ng Samar at Negros. Ipinailalim ng MO 32 ang mga nasabing lugar sa isang de-facto na batas militar at binibigyang-ligal na tabing ang malaon nang nagaganap na iligal na pag-aresto at walang habas na EJK sa buong kapuluan. Ipinaiilalim din nito ang mga sibilyang ahensya at lokal na yunit ng gubyerno sa mersenaryong armadong pwersa. Ang MO 32 ay isa lamang sa mga hakbangin ng rehimen sa tangka nito na isapailalim ang buong Pilipinas sa batas militar.
Minamadali rin nitong mailarga ang kanyang National Task Force (NTF) laban sa rebolusyunaryong kilusan. Puspusang nitong isasakatuparan ang whole-of-nation/government approach upang matransporma ang buong reaksyunaryong makinarya ng gubyerno bilang kasangkapan ng militar sa kampanyang kontra-insurhensya, na isang tusong paraan ng pagkukubli sa aktwal na pagpapairal ng batas militar. Gayunding isasangkalan nito upang bigyang-matwid at pagtakpan ang konsentrasyon sa kamay ng naghaharing reaksyunaryong paksyon ng lahat ng kapangyarihan at dambong gamit ang pamumunong militar. Gagamitin ng Rehimeng US-Duterte kapwa ang NTF at MO 32 upang makapandaya at maipanalo ang mga kasapakat nito sa darating na Eleksyong 2019.
Malaon na ring nailantad ng Rehimeng US-Dutete ang sarili nito bilang kontra-mamamayan. Sa pagpapatuloy ng madudugong Gera kontra Droga o Oplan Tokhang, Oplan Kapayapaan, Batas Militar sa Mindanao at Gera kontra Moro, umani ito ng pambabatikos hindi lamang mula sa sambayanang Pilipino ngunit maging pati sa hanay ng mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa buong daigdig.
Ang mga ito ay isinusulong ng papet na rehimen sa disenyo ng amo nitong imperyalistang US. Lumulubha rin ang tuwirang panghihimasok militar nito sa bansa. Sa ilalim ng Operation Pacific Eagle-Philippines (OPE-P), naitala ang humigit-kumulang 300 sundalong Amerikano na permanenteng nakabase sa bansa habang 3,000 ang lumalahok sa iba’t-ibang operasyon at pagsasanay militar sa bansa. Tumitindi rin ang pag-iimbak ng imperyalistang US sa mga kagamitang pandigma sa Pilipinas at paglayag ng mga barkong pandigma nito sa mga karagatan ng bansa. Nilalayon ng OPE-P na panatilihing paborable ang bansa sa paglulunsad ng imperyalistang US ng mga digmang agresyon at gerang proxy nito. Estratehiko ang lokasyon ng Pilipinas at sinasamantala ito ng imperyalistang US bilang abanteng larangan sa Asya-Pasipiko at likurang larangan sa mga digmang ilinulunsad nito sa Kanlurang Asya.
Kasinglagim ng talaan ng paglabag sa karapatang-tao ng berdugong rehimen at amo nitong imperyalista ang pagragasa ng mga neoliberal na programa at pakataran sa bansa. Kabilang sa mga ito ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at ang pangkabuoang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) na ibayong nagpalala sa krisis sa kabuhayan ng mamamayan. Dagdag rito ay ang pagtuon ng rehimen sa ekonomya ng bansa sa pagtatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng Build, Build, Build (BBB). Ang TRAIN, CTRP, BBB at iba pang mga neoliberal na atake sa mamamayan ay lalo lamang nagpapalaki sa agwat ng kabuhayan sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.
Naglalayon ang mga ito na lalong ibukas ang ekonomya ng bansa sa dayuhang pamumuhunan sa gitna ng pagbulusok ng ekonomya ng imperyalistang US. Tanging mga dambuhalang dayuhang negosyante at mga kasapakat nitong lokal na naghaharing-uri ang makikinabang sa mga programang ito. Samantala, papasanin ng karaniwang mamamayan ang bigat ng krisis sa ekonomya na dulot nito.
Nanatiling walang tunay na reporma sa lupa sa Pilipinas. Siyam sa bawat sampung magsasaka ang nakikisaka lamang. Gayundin, walang mga mabigat at intermedyang industriya sa bansa. Ang mga ito ang susi sa pag-unlad ng ekonomya ng Pilipinas. Ang pagtugon sa mga saligang suliraning ito ay ang pangunahing nilalaman ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) na inihapag ng NDFP sa usapang pangkapayapaan.
Ngunit sa halip na tugunan ito, ganap nang tinalikdan ng Rehimeng US-Duterte ang usapang pangkapayapaan. Pinili nitong arestuhin ang mga konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan kabilang sina Rafael Baylosis, Adelberto Silva, Vicente Ladlad, at Rey Claro Casambre. Ito ay labag sa Joint Agreement on the Safety and Immunity Guarantee (JASIG) na isang dokumento na nagbabawal sa pag-aresto o pagpaslang sa mga negosyador sa usapang pangkapayapaan. Kabaligtaran sa pilit na ipinapalabas ng estado, umiiral ang JASIG mayroon man pormal na usapang pangkapayapaan o wala sapagkat ito ay isang pormal na linagdaang dokumento sa pagitan ng GRP at NDFP.
Habang ikinulong ang mga may-sakit na at matatanda nang konsultant ng NDFP, pinalalabas ng bulok na estado na hindi dapat arestuhin si Imelda Marcos na hinatulang may-sala ng korapsyon sa parehong kadahilanan. Bahagi ito ng pakikipag-alyansa ng rehimen kina Gloria Arroyo at Bongbong Marcos, kapwa mga lantarang pasista sa panahon ng kanilang pamumuno.
Bukod dito, lansakang linalabag ng papet na estado at mersenaryong tropa nito ang Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL), na pinirmahan ng GRP at NDFP kung saan nakasaad ang pagrespeto ng magkabilang panig na nakikidigma sa mga saligang karapatang-tao ng mamamayan.
Sa kabilang banda, tumatalima ang Bagong Hukbong Bayan sa mahigpit na mga pamantayang ginagabayan ng mga prinsipyong nagtataguyod at nagtatanggol sa buhay at karapatan ng sibilyan. Higit na matimbang para sa CPP-NPA-NDF ang kapakanan ng mamamayan kaysa ganansyang militar. Hindi kailanman isasangkalan ng pulang hukbo ang karapatan ng masa sa kurso ng pagbigwas sa kaaway. Ang lahat ng taktikal na opensiba ng anumang yunit ng NPA ay ilinulunsad laban sa mga lehitimong target at may kaakibat na masinsin at maingat na pagpaplano upang hindi malagay sa alanganin ang ari-arian, kabuhayan at buhay ng mamamayan. Tumatalima ang rebolusyonaryong kilusan sa lahat ng batas hinggil sa karapatang-tao at nagsasagawa ng mga opensiba alinsunod sa mga ito.
Lubusan nang naihiwalay ng Rehimeng US-Duterte ang sarili nito sa mamamayan. Hindi na malilinlang ang sambayanan ng mga boladas ni Duterte. Pahina nang pahina ang suporta nito sa hanay ng karaniwang mamamayan habang patuloy na lumalakas at lumalawak ang panawagan ng sambayanan laban sa tiraniko at diktadurang rehimen. Nangangatog ang tuhod nito sa takot ng pagbasak at pilit na iwinawasiwas ang tuwirang pasismo at terorismo. Ngunit bibiguin ng sambayanan ang anumang anti-mamamayang hakbangin ng rehimen, mga kasapakat nitong lokal na naghaharing-uri at amo nitong imperyalistang US.
Nananawagan ang NDFP-Bikol sa mamamayang Bikolano at sa buong sambayanang Pilipino na magkapit-bisig upang tutulan at labanan ang mga atake laban sa mamamayan. Kailangan ang daluyong ng pinagkaisang lakas ng masang anakpawis, kasama ang lahat ng mga progresibo at demokratikong pwersa, upang itaguyod ang karapatang-tao laban sa mga mapang-api at mapagsamantala. Dapat wakasan ang tirano, reaksyunaryo at pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte at isulong ang pambansa demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba upang wakasan ang kawalang katarungan, kawalang kalayaan, kawalang kasaganaan at kawalang kaunlaran sa bansa.
Isulong ang rebolusyon hanggang sa ganap na tagumpay! Tumangan ng armas, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
https://www.philippinerevolution.info/statement/masang-bikolano-ipagtanggol-ang-karapatang-tao-labanan-ang-paghaharing-militar-at-memo-32-ng-rehimeng-us-duterte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.