Sunday, January 28, 2018

NPA-Northern Samar: AFP at Rehimeng US-Duterte pinagtatakpan ang kabiguan nito sa Disyembre 16 opensibang military

NPA-Northern Samar propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 28): AFP at Rehimeng US-Duterte pinagtatakpan ang kabiguan nito sa Disyembre 16 opensibang military



Amado Pesante, Spokesperson
NPA-Northern Samar (Rodante Urtal Command)

28 January 2018

Mariing kinukondena ng Rodante Urtal Command (RUC) ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang malaking kasinungalingang pahayag ng AFP at GRP President Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Eastern Visayas pagkatapos ng bagyong Urduja na diumano’y “inambus ng BHB ang mga elemento ng 20th IB na nagsasagawa ng relief mission” sa Brgy Hinagonoyan, Catubig, Northern Samar noong Disyembre 16, 2017.

Batay sa ulat na natanggap ng RUC mula sa Silvio Pajares Command, nagsasagawa ang BHB ng medikal na serbisyo sa nasabing baryo bilang tugon sa kahilingan ng mga residente dahil sa maraming kaso ng trangkaso, ubo at sipon dala ng masamang panahon dahil sa bagyong Urduja at iba pang karamdaman ng mga magsasaka.

Habang nagsasagawa ng serbisyong medikal, sikretong nag-kumando ang may 35 elemento ng 20th IB para atakehin ang mga kasapi ng BHB. Napansin ito ng elemento ng BHB na kagyat na nag-ulat sa Commanding Officer at kaagad namang nakapag-kumand sa lahat ng mga pulang mandirigmang noo’y nagbibigay ng medikal na serbisyo sa mabilis na paglabas sa nasabing baryo para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga sibilyan at pumusisyon sa magandang tereyn.

Pagkalipas ng 10 minuto, nangyari ang pag-atake ng mga sundalo kung saan aktibong nakapagdepensa ang BHB at nakapatay ng apat na kaaway. Bilang suporta sa umaatakeng pwersa nito, nagpaputok ang 20TH IB Battalion HQ ng 4 na 105 howitzer sa lugar ng labanan kung saan sarili nitong pwersa ang matinding tinamaan na nagresulta sa 6-9 na sundalong namatay batay sa ulat ng mga magsasaka. Ligtas namang naka-atras ang mga kasapi ng BHB.

Ang pagsisinungaling ng AFP at Rehimeng US-Duterte sa totoong pangyayari ay bahagi ng maitim nitong propaganda at pagtatangkang pagtakpan ang kahiya-hiyang kabiguan nito sa sana’y opensibang aksyong nauwi sa pagkamatay ng sarili nitong pwersa sa maling kalkulasyon sa pagbira ng BN HQ gamit ang 105 howitzer.
Higit na nahihiwalay ang AFP at Rehimen US-Duterte sa mamamayan ng Northern Samar sa naganap na labanan at pagsabotahe nito sa medical na serbisyo kung saan lubos na umaasa ang mga magsasaka. Isa ang Brgy Hinagonoyan sa 434 na brgy ng probinsya ng Northern Samar (mula sa 569) na walang health station.

Pagpapatunay ito ng kapabayaan ng lokal at nasyunal na gubyerno sa pagbibigay serbisyong pangkalusugan dahil sa pribatisasyon at korporatisasyon na bahagi ng neoliberal na atake ng Rehimen US-Duterte. Tinapyasan ang badyet sa serbisyo pang-kalusugan saan mayroon lamang 87 na doctor sa 632,239 na populasyon. Lumalabas na 17 sa bawat 20 na Nortehanon ay hindi nakatatanggap ng serbisyong pangkalusugan.

Kahit tangkaing pagtakpan ng AFP at Rehimen US-Duterte ang totoong pangyayari upang pabanguhin ang nabubulok nitong imahe, hindi maikakailang ang katotohanan sa kawalan at kapabayaan sa serbisyong pangkalusugan ang isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala sa GRP at naghahanap ang mamamayan ng libre at ligtas na serbisyong medikal na bahagi at matagal nang ipinapatupad na programa ng rebolusyunaryong kilusan.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.