From the Philippine Information Agency (Mar 24): Tagalog news: AFP, hangad maging kasapi ang mga katutubo (AFP, seeking to become member of grassroots)
Nagpapatuloy ngayon ang pangangalap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga katutubo sa mga pamayanan upang maging kasapi ng kanilang hanay.
Ito ang tinuran ni Kalihim Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) sa kanyang pagbisita sa Palawan kasabay ng ika- 40 anibersaryo ng Western Command .
Ani Lorenzana, hangad nilang maging katuwang ang mga katutubo sa pagsawata sa mga rebeldeng grupo sa kanilang pamayanan lalo pa’t ang mga katutubong komunidad ang madalas na hinihikayat ng grupo tulad ng New People’s Army (NPA).
“Madalas unang pinupuntahan ng mga NPA ang mga katutubo sa mga bulubundukin, kaya mas makabubuti kung sila ang magiging kabalikat natin sa pagsugpo sa masamang gawain”, ani Lorenzana.
Aniya, maging ang WESCOM ay sinisimulan na sa kasalukuyan ang pagsasanay sa mga ito na inumpisahan sa bayan ng Roxas.
Sa kaniyang pananalita, nanawagan din ang Kalihim sa mga katutubo saan mang panig ng lalawigan na huwag padadala sa pangungumbinse ng makakaliwang grupo dahil sa hindi mabuti ang mga idudulot ng mga ito sa kanilang pamayanan.
http://news.pia.gov.ph/article/view/3321490332182/tagalog-news-afp-hangad-maging-kasapi-ang-mga-katutubo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.