LUNGSOD NG KIDAPAWAN, North Cotabato
- Hiniling ng pamunuan ng
Cotabato Police Provincial Office (CPPO) at ng pwersa ng militar na nakabase sa
probinsyaang suporta ng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at
mapalakas ang seguridad sa lalawigan.
probinsyaang suporta ng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at
mapalakas ang seguridad sa lalawigan.
Ayon kay PSSupt. Emmanuel Peralta, provincial director ng CPPO, lalong magiging epektibo
ang hakbang ng kapulisan at kasundaluhan kung nakikiisa ang mamamayan.
Kabilang sa hinihiling ng otoridad sa publiko ay ang pagiging alerto at mapagmatyag lalo
na sa mga kaduda-dudang tao o bagay na kanilang makikita.
Sa ginanap na press forum and conference kamakailan, hinimok ni Peralta ang publiko sa
pamamagitan ng media na makipagtulungan sa pulis at militar lalo na sa kampanya laban
sa kriminalidad.
Nanawagan din ang otoridad sa mamamayan na makipag- ugnayan sa kanila sa
pamamagitan ng maagap na pagulat
sa mga insidente o mga kaduda- dudang personahe na mamamataan sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, tiniyak ni Peralta at ni Lt. Col. Edgar delos Reyes ng 7th IB na pinaiigting na
nila ang mga check point at choke point sa highway at sa mga pampubliko o matataong
lugar.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.