Isa sa pinakamataas na leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Western Visayas ang makalalaya na ngayong buwan ng Agosto.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Atty. Janne Baterna, ang abogado ni Maria Concepcion Bocala, 64, na nagsabing binigyan ito ng amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Baterna na pinagkalooban ng amnestiya si Bocala, na kilala rin bilang Ka Concha, Ka Merly at Ka Etang at sinasabing secretary general ng CPP para sa Komite Rehiyon Panay upang maging isa sa mga negosyador sa peace talks sa Oslo, Norway sa ilalim ng Communist-led National Democratic Front of the Philippines.
Matatandaan na dinakip si Ka Concha noong nakaraang taon sa Calumpang, Molo, Iloilo dahil sa kasong murder at rebellion at may P7.8 million na pabuya sa ulo.
Matatandaan na dinakip si Ka Concha noong nakaraang taon sa Calumpang, Molo, Iloilo dahil sa kasong murder at rebellion at may P7.8 million na pabuya sa ulo.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.