Naglunsad kahapon ng operasyon ang pulisya upang madakip ang
isang sundalo na umano’y bumaril at nakasugat sa kapwa nito sa Zamboanga City.
Nakilala ang suspek na si Rene Upo, na miyembro ng
Philippine Army, at siyang itinuturong bumaril kay Ricky Bunsalao kamakalaw
lamanga. Hindi naman ibinigay ng pulisya kung anong unit at ranggo ng mga ito
dahil patuloy rin umano ang imbestigasyon sa kaso.
Nabatid na kadarating lamang ni Bunsalao kasama ang asawa sa
kanilang lugar sa Barangay Daap sa Sangali sakay ng kanilang motorsiklo ng
biglang sumulpot si Upo at binaril ang biktima. Kahit sugatan ay agad nakatakbo
sa loob ng kanyang inuupuhang kuwarto si Bunsalao habang naiwan ang asawa
nitong natulala sa naganap.
Dito na umano tyumakas si Upo sa akalang napurahan ang
biktima. Naisugod naman agad si Bunsalao ng kanyang asawa sa pagamutan.
Sinabi naman ni Senior Supt. Rogelio Alabata, ang regional
police spokesman, na pinaghahanap na ng mga awtoridad si Upo. Personal na
alitan umano ang ugat ng away ng dalawa
http://mindanaoexaminer.com/sundalo-binaril-ng-kapwa-tropa-sa-zambo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.