From the Philippine Information Agency (Jun 7): Tagalog News: Apat na rebeldeng NPA nahuli sa Butuan City, ilang firearms at ammunitions nasabat din
Iprenesinta ng Police Regional Office 13 sa media ang apat na mga high profile members ng New People’s Army (NPA) matapos ang matagumpay na operasyon nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Tungao dito sa lungsod.
Kinilala ni PNP-13 regional director C/Supt Rolando Felix ang mga nahuli na sina Roldan Bbunggolto, commanding officer ng Militia ng Bayan at team leader ng Guerilla Front Committee 4A sparrow unit; Danilo Acaña, department secretary ng Guerilla Front Committee 4A na may warrant of arrest sa kasong multiple murder at frustrated murder. Kasama pa sa mga naaresto sina Rolando Borja at Anatalio Pison na parehong miyembro ng militia ng Bayan.
Nakuha naman sa posisyon ng mga suspek ang isang M16 Armalite Rifle, isang AK47, apat na kalibre .22 na pistola, tatlo pang short firearms, dalawang revolver, improvised explosive device, dalawang hand grenades, ammunition at mga subersibong dokumento.
Binigyang-diin ni director Felix na patuloy ang kanilang operasyon sa pagdakip ng iba pang mga miyembro ng NPA na may search warrants at warrants of arrest sa Caraga region. Sinigugurado din ng PNP kasama ng iba pang law enforcement agencies ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.
Nasa kostudiya na sa ngayon ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ang mga nakuhang mga armas, eksplosibo, mga bala at iba pa kasama na ang nahuling mga rebelde habang pinoproseso pa sa korte ang kanilang haharaping kaso.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2041465261100/tagalog-news-apat-na-rebeldeng-npa-nahuli-sa-butuan-city-ilang-firearms-at-ammunitions-nasabat-din
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.