Saturday, October 18, 2014

CPP/NPA: Walang kinalaman ang kilusan sa sunud-sunod na pagpatay sa Gubat at Prieto Diaz

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Oct 18): Walang kinalaman ang kilusan sa sunud-sunod na pagpatay sa Gubat at Prieto Diaz

Logo.bhb
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
 
NAIS naming sagutin ang mga tanong na aming natatanggap tungkol sa magkakasunod na patayan sa Gubat at Prieto Diaz, Sorsogon nitong nakaraang dalawang linggo.

Una, walang kinalaman ang rebolusyonaryong kilusan sa naturang mga pangyayari. Nagsasagawa rin kami ng sariling imbestigasyon upang lutasin ang walang-saysay na mga krimeng ito. May impormasyon kami na isa man lamang sa mga pagpatay na ito ay may kaugnayan sa bentahan ng iligal na droga.

May partikular kaming interes sa kaso nina Federico Erivera (na pinatay noong Oktubre 4) at Jinky Estrada (na pinatay noong Oktubre 11) dahil naganap ang mga ito di kalayuan sa kampo ng 22nd Infantry Batallion sa Sityo Bungsaran, Rizal, Gubat. Malaon na kaming nakatatanggap ng mga ulat ukol sa pagkakasangkot ng mga opisyal at sundalo ng Philippine Army sa pagtutulak ng bawal na gamot.

Posibleng konektado rin sa mga ito ang pagpatay nitong Oktubre 15 kay Alan Figueras ng Barangay Panganiban, Gubat dahil pare-pareho ang istilo ng mga salaring magkaangkas sa motorsiklo at armado ng ripleng M16 at pistolang kalibre .45.

Ano’t anuman, nais naming ipaabot sa mga pamilya ng mga biktima na maaari silang dumulog sa amin sa ikalilinaw at ikalulutas ng naturang mga kaso. Makakatulong ang anumang impormasyon na maibibigay nila para umusad ang aming imbestigasyon at kamtin ang hustisya para sa mga biktima.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141018_walang-kinalaman-ang-kilusan-sa-sunud-sunod-na-pagpatay-sa-gubat-at-prieto-diaz

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.