Macario Liwanag (Ka Karyo)
Spokesperson
NPA Rizal Provincial Operations Command (Narciso Antazo Aramil Command)

Dalawang sundalo ang namatay at isa ang sugatan sa dalawang beses na magkasunod na engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno na kabilang sa 2nd Infantry Division, PA-AFP at mga myembro ng NAAC-NPA-Rizal. Naganap ang nasabing mga engkwentro noong Hunyo 5, 2014.
Ang unang engkwentro ay naganap sa Calawis, Antipolo City, Rizal sa ganap na ika-10:20 ng umaga nang salakayin ng isang platoon ng 21st DRC-2nd ID-PA ang isang seksyon ng NAAC-NPA-Rizal na naglulunsad ng gawaing masa sa nasabing barangay. Naunang nakapagpaputok ang mga tropa ng NPA kaya’t nabigo ang kanilang pagsalakay. Nagresulta ng nasabing labanan sa 2 sundalo ang napatay habang walang anumang kaswalti sa hanay ng NPA.
Ang ikalawang engkwentro ay naganap sa Sitio Binayuyo, San Jose, Antipolo City, Rizal sa ganap ng Ika-5:30 ng hapon nang tangkain ng isang platoon ng 16th IB-PA na ambusin ang naglalakad na isang iskwad na tropa ng NAAC-NPA-Rizal. Mahusay na nakalaban at nakapagmaniobra ang tropa ng NPA-Rizal na nakaatras ng walang kaswalti sa kanilang hanay habang may isang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.
Upang pagtakpan ang kanilang pagkatalo sa dalawang magkasunod na labanan ay sinikap na itago sa media ng 2nd ID-PA-AFP ang kanilang kaswalti. Hinintay muna ng AFP na gumabi bago nila inilabas ang namatay at sugatan sa kanilang hanay.
Ang mga kabiguang ito sa hanay ng AFP ay patunay na matagumpay ang mga tropa ng NPA-Rizal sa aktibong paglaban sa pagtatangka ng gobyernong Aquino na durugin ang armadong rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Rizal. Sa tulong ng malawak na suporta ng mamamayan ng lalawigan at sa mahusay na pagkabisa sa kalupaan ay mahusay na nakakapagmaniobra at nakakapaglunsad ng kontra-atake ng mga miyembro ng NPA-Rizal sa anumang pagsalakay ng mga tropa ng gobyerno. Ang mga ito ang katibayan na ang kontra-insurhensyang programa ng gobyernong Aquino na OPLAN BAYANIHAN ay patuloy na nabibigo sa lalawigan.
Sampal ito sa mukha ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na patuloy na nagyayabang na tuloy-tuloy nang humihina ang NPA mula ng mahuli ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon. Sa halip na humina ay namamantina at patuloy na lumalakas ang mga pwersa ng NPA habang patuloy na lumalawak ang disgusto at pagkamuhi ng mamamayan sa nagmamalinis ngunit korapto at walang pinag-iba sa mga naunang gobyernong nagsasamantala sa mamamayan ang kasalukuyang gobyernong Aquino.
Sa lalawigan ng Rizal na kagyat na katabi sa Metro Manila at sa koraptong gobyernong nakaupo sa Malacañang ay patuloy na makakapagpanatili at lalakas ang mga pwersa ng NPA upang magtanggol sa interes ng sambayaang Pilipino at dalhin ang digmang bayan sa estratehikong pagkapatas mula sa kasalukuyang yugto ng estratehikong depensiba at tuloy-tuloy na isulong ang digmang bayan hanggang tagumpay.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140607_2-sundalo-patay-1-sugatan-sa-magkasunod-na-engkwentro-sa-pagitan-ng-tropa-ng-gobyerno-at-npa-rizal

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.