INABSWELTO AGAD ng Malakanyang si Moro National Liberation Front chairman Nur Misuari sa anumang kaso matapos nitong isuko ng mapayapa ang wanted na Abu Sayyaf leader na si Idang Susukan sa Davao City.
Makikita sa larawan ng PNP si Abduljihad Susukan (kaliwa) at litrao mula sa KM Image via Tribune bago ito maputulan ng braso sa pakikipaglaban sa mga sundalo sa Sulu province.
Matatandaang inaresto ng pulisya si Susukan sa bahay ni Misuari matapos nitong dalhin ang terorista sakay ng isang pribadong jet upang mabigyan ng prosthetic arm dahil naputulan ng braso sa pakikipagsagupaan sa mga sundalo noong nakaraang taon sa lalawigan ng Sulu.
Sinasabing sumuko si Susukan kay Misuari noong nakaraang Abril sa Sulu sa pangakong mabibigyan ito ng amnestiya ng pamahalaang Duterte.
Naunang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Archie Gamboa na isinuko ni Misuari si Susukan matapos ng isang negosasyon. Natiktikan umano ng pulisya sa Davao City ang pagdating ni Misuari kasama si Susukan na wanted ng mga awtoridad dahil sa napakaraming kaso ng pagpatay at ransom kidnappings sa Sabah.
“We thank Chairman Nur Misuari for facilitating the negotiation between the PNP headed by Colonel Kirby John Kraft, (the) Davao City (Police) Director and Edang Susukan,” ani Gamboa.
“The PNP immediately advised (Davao) Mayor Inday Sara Duterte who assured us of her full cooperation and assistance, to ensure the peaceful handover and orderly transfer of custody to proper authorities,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na “highly unlikely” na makasuhan si Misuari dahil sa pagkupkop nito kay Susukan. Sinigundahan rin nito si Gamboa na talagang isinuko ni Misuari ang terorista sa pulisya.
“What I know is he arranged for the surrender. So, in terms of criminal liability, it seems highly unlikely because he arranged for Susukan’s surrender. Susukan was not arrested while he was being harbored by Nur Misuari. That’s not the case. It appears that he arranged for authorities to come to apprehend Susukan in his residence on that day,” paliwanag pa ni Roque.
Nais naman ng militar na ipaliwanag ni Misuari kung bakit nasa kanyang pangangalaga si Susukan. Maging ang Western Mindanao Command sa Zamboanga City ay nagsabing wala itong official report ng pagsuko ni Susukan.
“We have no confirmation of Susukan’s surrender to Misuari or his reported trip to Davao City. We consider Susukan a wanted man,” ani Major Arvin Encinas, ang spokesman ng Western Mindanao Command.
Si Susukan ay nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal at kabilang sa mga biktimang dayuhan nito ay sina Chinese national Gao Huayun at Pinay na si Filipina Marcy Darawan, na dinukot sa Singamata Reef Resort sa Semporna sa Sabah noong Abril 2, 2014. At Malaysian Chan Sai Chun, na hinila sa kanyang fish farm sa Kampung Sapang sa Kunak, Sabah noong Hunyo 16, 2014, at Sabah restaurateur Thien Nyuk Fan, na dinukot rin mula sa Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan sa Sabah noong Mayo 14, 2015.
Dinukot at pinugutan rin nito ng ulo ang 39-antos na Malaysian engineer Bernard Then noong Nobyembre 2015 matapos na mabigong magbayad ng ransom ang pamilya nito. Maraming sundalo at sibilyan rin ang pinatay at pinugutan ng grupo ni Susukan.
Sa kasalukuyan ay nasa PNP Camp Crame si Susukan, ngunit nais ng Armed Forces of the Philippines na ilipat sa kanilang kustodiya ang terorista. (Mindanao Examiner)
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2020/08/nur-misuari-ipinag-tanggol-ng-palasyo.html

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.