Sunday, February 16, 2020

NTFELCAC: Parlade: Nothing new with IBON filing administrative charges for alleged red-tagging

Posted to the NTFELCAC Website (Feb 17, 2020): Parlade: Nothing new with IBON filing administrative charges for alleged red-tagging

Southern Luzon Command (SOLCOM) head, Major General Antonio Parlade, Jr., on Monday said there is nothing new with the decision of research group IBON Foundation to file administrative cases before the Office of the Ombudsman against him and two other ranking government officials for alleged red-tagging.

#SERVETHEPEOPLE
#NTFELCAC
#EO70

https://www.pna.gov.ph/articles/1093445

Image may contain: 1 person


NTFELCAC: The nonsense tweets of IBON

Posted to the NTFELCAC Website (Feb 17, 2020): The nonsense tweets of IBON

#SERVETHEPEOPLE
#NTFELCAC
#EO70

https://bit.ly/2u0e6KK

Image may contain: 1 person


Kalinaw News: High Ranking NPA terrorist with Multiple Arrest Warrants falls during Police-Military Checkpoint

Posted to Kalinaw News (Feb 17, 2020): High Ranking NPA terrorist with Multiple Arrest Warrants falls during Police-Military Checkpoint (By PRO13 Caraga PULIS PIO)



Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City— Joint government forces of Police Regional Office (PRO) 13 and Philippine Army arrested a high ranking official of New People’s Army who has ten standing Warrants of Arrest during an Enhanced Police-Military Checkpoint Operation conducted along the National Highway of Sitio Tagmalinao, Brgy. La Purisima, Cagwait Surigao del Sur yesterday, February 15.

Police Brigadier General Joselito T Esquivel, Jr, PRO13 Director,
identified the suspect as Renan Ayad Cantos, a.k.a. Loki/Ronin/Sanjo, male, 30 years old, and a resident of Purok Pagbahanan 2, Brgy. Poblacion, Marihatag, Surigao del Sur.

Cantos, is a former Commanding Officer of Dismantled Guerilla Front 8, Dismantled Guerilla Front 14 of the Communist Terrorist Group under North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).


Cantos was charged with Multiple Attempted Homicide under Criminal Case No. 10091, Frustrated Murder under Criminal Case No. 10171 Multiple Attempted Murder under Criminal Case No. 9870, Multiple Attempted Murder under Criminal Case No. 4574, Murder under Criminal Case No. 4575, Kidnapping and Serious Illegal Detention under Criminal Case No. 4611, Robbery with Violence and Intimidation of Person under Criminal Case No. 6526, Kidnapping and Serious Illegal Detention under Criminal Case No. 6527, Kidnapping and Serious Illegal Detention under Criminal Case No. 6525 and Arson under Criminal Case No. 3279.

Arrested person was duly informed of his Constitutional Rights and was brought to Cagwait Municipal Police Station for documentation and proper disposition.

“The operation that led to his arrest is part of our aggressive and more intensified campaign against insurgency and wanted persons. I am encouraging all our brothers and sisters who are deceived by the CPP-NPA terrorists to surrender and return to the folds of the law,” RD Esquivel added.

RD Esquivel, Jr reminds all private individual to include politicians and local chief executives on the prohibitions of Republic Act 10168 otherwise known as the “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 and Section 3 of Executive Order No. 773 series of 2009, directing Regional, Provincial, Municipal Peace and Order Councils to apply moral suasion to and/or recommend sanctions against local chief executives who are giving material and political support to criminals and Communist Terrorist Groups.

These legal provisions are further reinforced by the pronouncement of President Rodrigo Roa Duterte that the LCEs should not give “any aid” to rebel, terrorist and criminal groups as it would result to much distress, embarrassment, even losing power over the police.

“The government is offering an E-CLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) which provides several benefits like financial assistance and livelihood program to former rebels and militiamen who surrendered to the government,” RD Esquivel, Jr added.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/high-ranking-npa-terrorist-with-multiple-arrest-warrants-falls-during-police-military-checkpoint/

CPP/Ang Bayan: Hungkag ang asta ni Duterte laban sa VFA

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Hungkag ang asta ni Duterte laban sa VFA



Kamakailan ay inulit na naman ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang pagmamaktol sa gubyerno ng US. Nitong huli, inanunsyo niya na itutulak niya ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Gagawin daw niya ito sa loob ng isang buwan, kung hindi aayusin ng US ang visa o papeles ng masugid niyang tagapalakpak, ngayo’y senador, na si Ronald “Bato” dela Rosa.

Hindi raw siya nagbibiro, ani Duterte. Pero, kung titingnan ang mga pangyayari sa likod nito, pati na ang dati na niyang mga patutsada sa US, makikitang hindi seryoso si Duterte. Hungkag ang pag-aasta niyang ibasura ang VFA. Pumopostura siya hindi para sa hangaring itaguyod ang pambansang kalayaan ng Pilipinas, kundi para sa makasariling interes sa pulitika.

Ang pagpoposturang ito ni Duterte ay hindi malayo sa pag-aastang makabayan ni Marcos noong dekada 1970 at pagbabantang ibasura ang Military Bases Agreement. Ito’y kasunduan noong 1946 na nagbigay sa US ng pribilehiyo na magbase militar sa mahigit 50,000 ektarya sa Clark, Subic at marami pang lugar. Pero ang asta noon ni Marcos ay nauwi lamang sa tawaran para sa mas malaking bayad-upa ng US at paghingi ng mas malaking ayudang militar bilang pagsuporta sa kanyang batas militar.

Sa estilong-Marcos, ginagamit ni Duterte ang usapin ng pambansang kasarinlan na pandekorasyon para tabingan ang kanyang pansariling interes. Una, karugtong ng pag-aasta niyang “lilipat na sa panig ng China at Russia,” ginagamit niya ang astang kontra-VFA para itulak ang US na magbigay ng mas marami at bagong mga armas, helikopter, bomba, at iba pang kagamitan para sa brutal na gera ng panunupil ng AFP laban sa masang Pilipino at sa huwad na “gera kontra-droga.” Sa bagay na ito, pwede niyang makuha ang suporta ng mga maka-US na upisyal ng AFP. Ikalawa, ginagamit niya itong baraha upang palakihin ang kanyang halaga at salagin ang pang-iipit sa kanya ng ilang grupo sa US na kumokontra sa kanya katuwang ang mga kalaban niya sa pulitika.

Kung mayroong kahit gahiblang pagkamakabayan si Duterte, sana’y matagal na niyang ibinasura ang VFA at pinalayas ang mga sundalong Amerikano at mga pasilidad militar nila sa Pilipinas. Nagbubulag-bulagan si Duterte sa ginagawa ng mga Amerikano sa Fort Magsaysay, Clark, Subic, Villamor Air Base, Mactan Air Base, Lumbia Airport, Camp Ranao, Camp Bautista, Carlito Cunanan Naval Station, Camp Navarro at iba pang lugar. Ang mga kampong ito’y sentro ng kanilang panghihimasok. Dito sila nag-eespiya, nagpapalipad ng mga drone, nagsasanay ng mga sundalong Pilipino para sa kanilang pakikialam sa mga panloob na usapin ng Pilipinas sa tabing ng “kontra-terorismo.”

Para sa sambayanang Pilipinong naghahangad ng tunay na kalayaan mula sa neokolonyal na paghahari-harian ng US, mauuwi lamang sa wala ang asta ngayon ni Duterte kontra sa VFA. Paglipas ng panahon, mababaon lang ito sa limot tulad ng deklarasyon niya noon na ititigil na ang Balikatan “war exercises” at tatapusin ang EDCA.

Syempre, ang aktwal na kalalabasan ng astang kontra-VFA ni Duterte ay depende kung papaano niya lalaruin ang barahang ito. Maaari itong humantong sa simpleng “pagrebyu,” bagong negosasyon o bagong kasunduan, o pagbibigay ng US ng simpleng pabuya kay Duterte (tulad ng hinihingi niyang visa para kay Bato). Pero may risgo rin itong umigkas sa kanya lalo na kung hindi kaagad kumagat ang US, mapasobra ang kanyang pag-aasta na magpapalakas sa loob ng ilang upisyal ng AFP, kasabwat ng mga pwersang panseguridad ng US at lokal na oposisyon, na sipain siya sa poder. Anu’t anuman, sa pinakasaligan, hindi binabago o mababago ng pag-aasta ni Duterte ang dominasyon ng US sa pulitika sa bansa.

Matagal nang isinisigaw ng sambayanang Pilipino ang pagbabasura sa VFA, at iba pang di pantay na tratadong militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Kabilang dito ang Mutual Defense Treaty ng 1951 at ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng 2014.

Lahat ng kasunduang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan at karapatan sa militar ng US sa Pilipinas at pawang yumuyurak sa kasarinlan ng Pilipinas. Ang mga kasunduang ito’y malaking sampal sa pambansang integridad ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng VFA, sa partikular, buong laya ang paglabas-masok ng mga sundalong Amerikano sa bansa. Hindi man lamang pwedeng inspeksyunin ang kanilang sasakyan kung nagdadala ng mga sandatang nukleyar para ipatupad ang probisyon ng konstitusyon ng Pilipinas. Ang mga sundalong Amerikano na nakagawa ng krimen ay agad na binibigyang-proteksyon ng gubyernong US at, kung di dahil sa ingay at protesta, ay pinalulusot sa kanilang pananagutan.

Ang mga kasunduang ito, pati na ang paghahari ng mga dayuhang kapitalista at bangko sa ekonomya ng bansa, ang pinakamatingkad na palatandaan ng neokolonyal na pang-aapi sa bansang Pilipinas. Ang dayong pagsaklot sa ekonomya at militar, at ang pakikipagsabwatan ng iilang traydor sa dayong mga imperyalista ang pangunahing salik kung bakit ito nananatiling atrasado at naghihirap ang mga Pilipino, at nabubundat ang mga oligarko, panginoong maylupa at malalaking korap na burukrata.

Marapat na paalingawngawin ng sambayanang Pilipino ang kanilang sigaw para ibasura ang VFA at lahat ng di pantay na tratadong militar. Dapat magkaisa ang lahat ng nagmamahal sa kalayaan at singilin ang rehimeng Duterte sa pagkakanulo nito sa kasarinlan ng Pilipinas.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/hungkag-ang-asta-ni-duterte-laban-sa-vfa/

CPP/Ang Bayan: Sa ika-33 taon ng Mendiola Massacre: Duterte Legacy, kagutuman at kamatayan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Sa ika-33 taon ng Mendiola Massacre: Duterte Legacy, kagutuman at kamatayan

MULING NAGTIPON ANG mga progresibong grupo at kaanak ng mga biktima ng Mendiola Massacre noong Enero 22 upang gunitain ang ika-33 taon ng masaker. Anila, bigo ang rehimeng Duterte na bigyang hustisya ang pagkasawi ng 13 magsasaka noong Enero 22, 1987 sa Mendiola, Manila.

Ang 13 magsasaka ay kabilang sa libu-libong nagtungo noon sa Mendiola upang ipanawagan sa dating Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa.

Para sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, bagamat ilang rehimen na ang nagdaan ay nagpapatuloy pa rin ang nakalulunos na kundisyon ng mayorya sa mamamayang Pilipino. Dagdag nila, kasinungalingan ang ipinagmamalaki ng rehimen na “Duterte legacy.” Sa loob ng 33 taon, wala pa ring lupa ang mga magsasaka, wala pa ring hustisya at tunay na kapayapaan.

Sa pahayag ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikutura, mas matindi ang pagpaslang sa mga magsasaka sa ilalim ni Duterte. May 244 na ang pinaslang sa kasalukuyan. Gutom din ang dinaranas ng mga magbubukid dulot ng batas sa liberalisasyon ng pag-aangkat ng bigas. Ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon-Nueva Ecija, dinaranas ngayon ng mga magsasaka ang mababang presyo ng palay. Halos wala na silang kinikita dahil sa pagpapatupad ng naturang batas.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/sa-ika-33-taon-ng-mendiola-massacre-duterte-legacy-kagutuman-at-kamatayan/

CPP/Ang Bayan: Sangtwaryo ng mga Lumad sinalakay ng mga paramilitar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Sangtwaryo ng mga Lumad sinalakay ng mga paramilitar

ILANG ARAW MATAPOS i-utos ng Regional Peace and Order Council 11 ang pagpapasara ng UCCP Haran Center sa Davao City, sinalakay ito ng mga paramilitar noong Enero 25. Bitbit ang mga sundang, sinira ng mga kasapi ng Alamara, grupong paramilitar na hawak ng berdugong militar, ang mga pader at bakod ng Haran kung saan tumutuloy ang may 500 Lumad na bakwit. Napilitang lisanin ng mga bakwit ang kanilang lupang ninuno dulot ng matinding militarisasyon.

May 50 paramilitar ang umatake sa Haran. Ayon sa ulat, sapilitan nilang pinababalik ang mga nagbakwit sa kanilang mga komunidad sa Kapalong at Talaingod, Davao del Norte.

Dumating ang mga pulis sa lugar subalit tumanggi silang arestuhin ang mga kasapi ng Alamara. Sa halip ay pinigilan ang midya na pumasok sa loob ng bakuran.

Nanindigan naman ang mga lider Lumad na mananatili sa sangtwaryo hanggang matiyak nilang ligtas na ang kanilang mga komunidad.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/sangtwaryo-ng-mga-lumad-sinalakay-ng-mga-paramilitar/

CPP/Ang Bayan: 19 magsasaka, iligal na inaresto

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): 19 magsasaka, iligal na inaresto

Sa Northern Samar, 15 magsasaka mula sa Barangay OsmeƱa, Palapag ang inaresto noong Enero 22 at 23. Dinakip ng mga elemento ng 20th IB sina Constancio Capate Martinico, Renaldo Longcop, Gonzalo Magayes, Jomar Orua, Delphin Meraya Jr. at JR Laoreno. Dinala ang anim na magsasaka sa kampo kung saan sila ininteroga. Sa sumunod na araw, siyam na magsasaka naman ang dinala sa kampo ng 803rd IBde sa Catarman. Ipinailalim sila sa interogasyon at sapilitang pinasurender. Pinagbawalan din ang mga kaanak na bumisita sa mga biktima.

Apat na lider magsasaka naman sa Bukidnon ang inaresto noong Enero 23 matapos makipagdayalogo kay Rep. Manuel Zubiri. Kinilala ang apat na sina Jun Guinanao, tagapangulo ng Kasama-Bukidnon, June Makute ng Buffalo-Tamaraw-Limus (BTL), Danilo Menente at Albert Tanallion. Idinulog ng apat sa tanggapan ni Zubiri ang pamamaslang sa mga magsasaka sa Bukidnon, pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa mga aktibista at ang kanilang panawagan para sa subsidyo sa agrikultura. Matapos ito, hinarang at dinakip sila ng mga elemento ng 88th IB at dinala sa kanilang kampo sa Maramag. Inakusahan ang apat na nagkakanlong umano ng mga sugatang kasapi ng BHB sa kanilang sakahan sa BTL, Maramag.

Noong Pebrero 5, inaresto naman at kasalukuyang nakadetine sa Oroquieta City Police Station si Engr. Jennefer Aguhob batay sa gawa-gawang kasong pagpaslang. Si Aguhob ay kasapi ng Karapatan at Union of People’s Lawyers in Mindanao. Bago nito, noong 2018 at 2017, dumanas siya ng pananakot at pandarahas sa militar.

Sa Laguna, natagpuan ang mga bangkay ng dalawang magsasaka na sina Emerito Pinza at Romy Candor noong Pebrero 5. Dinukot sila at pinatay ng mga elemento ng Regional Mobile Force Battalion 4A noong Enero 19. Pinalabas ng mga berdugo na nasawi ang dalawa sa isang engkwentro. Upang itago ang kanilang krimen, inilibing ang dalawa gamit ang inimbentong mga pangalan sa Calamba Municipal Cemetery. Si Pinza at Candor ay mga kasapi ng Pinagkaisang Ugnayan ng mga Magsasaka sa Laguna.

Sa Bohol, binaril hanggang mapatay ng pinaghihinalaang ahente ng estado si Pelagio Compoc sa kanyang bukid sa Barangay Dagohoy, Bilar noong Enero 22. Si Compoc ay kasapi ng Humabol-Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at barangay tanod sa kanilang komunidad. Bago ang pagpaslang, makailang beses siyang dumanas ng pandarahas dahil umano may kapatid siyang kumander ng Bagong Hukbong Bayan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/19-magsasaka-iligal-na-inaresto/

CPP/Ang Bayan: Hustisya para kay Randy Malayao

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Hustisya para kay Randy Malayao

HUSTISYA ANG PANAWAGAN ng mga aktibista at kaanak ng konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Randy Felix Malayao, isang taon matapos siyang paslangin. Nagprotesta sila noong Enero 30 sa harap ng Camp Melchor dela Cruz ng 5th ID sa Gamu, Isabela.

Marahas na binuwag ng mga pwersa ng militar ang protesta. Para guluhin ang programa, nagpwesto rin ang militar ng trak at ambulansya sa gilid ng kalsada at walang tigil na bumusina.

Bago ang pagkilos, nag-alay ng misa ang grupo sa puntod ni Malayao sa San Pablo, Isabela.
Pinaslang si Malayao habang lulan ng bus sa Aritao, Nueva Vizcaya noong Enero 30, 2019.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/hustisya-para-kay-randy-malayao/

CPP/Ang Bayan: FMO sa Southern Tagalog

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): FMO sa Southern Tagalog

Pinaslang ng mga sundalo ng berdugong 4th IB ang mga sibilyan na sina Mark Ederson Valencia Delos Santos at Jay-ar Mercado sa Barangay Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro noong Enero 31. Si Mercado ay boluntir na organisador ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Southern Tagalog na dinukot ng militar noong Enero 26. Inilibing ng mga berdugo si Mercado noong Pebrero 1 nang hindi ipinaalam sa kanyang mga kaanak. Matapos ang krimen ay pinalabas ng militar na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan ang dalawa.

Bahagi ang krimeng ito ng nakapokus na operasyon (focused-military operation o FMO) ng Southern Luzon Command (Solcom) sa ilang prubinsya ng Southern Tagalog noong Enero. Bukod sa paggalugad sa mga komunidad sa kanayunan, nagtayo rin ito ng mga tsekpoynt at walang habas na naglapastangan sa karapatan ng mga katutubo at magsasakang nakatira sa erya ng kanilang operasyon. Ang mga operasyong ito ay dinidirehe ng bagong-talagang kumander ng Solcom na si Gen. Antonio Parlade. Laking-dibisyong tropa ang idineploy sa Quezon at Mindoro.

Sa Quezon, ginalugad ng magkasamang pwersa ng 201st IBde at PNP-Calabarzon ang mga barangay ng Villa Espina, Pisipis at Vergania sa bayan ng Lopez mula Enero 10 hanggang Enero 30. Sinalakay naman ng aabot sa isang batalyong pwersa ng 85th IB at PNP ang ilang barangay sa Gumaca. Naglagay din ito ng tsekpoynt sa Gumaca at iba pang bayan sa Timog Quezon.

Gayundin, tinatayang isang batalyon ang idineploy mula sa 1st IB, PNP at CAFGU sa mga bayan ng Real at Sampaloc, Quezon; at Kalayaan at Luisiana sa Laguna mula pa noong ikalawang linggo ng Enero.

Mga interyor na barangay naman sa Rizal at San Jose, Occidental Mindoro; at Bulalacao, Mansalay, Victoria at Socorro sa Oriental Mindoro ang ginagalugad ng mga elemento ng 203rd IBde at PNP-Mimaropa mula Enero 8. Ayon sa ulat, dalawang kumpanya ang nag-ooperasyon sa bawat eryang saklaw ng FMO.

Aabot naman sa 32 baryo sa bahagi ng Timog Palawan ang saklaw ng FMO ng Western Command ng AFP at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Idineploy ang 1st Police Mobile Force Company ng PNP Palawan sa mga bayan ng Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point at Sofronio EspaƱola.

Sa panahon ng nakapokus na operasyong militar naganap ang matitinding paglabag sa karatang tao at paggambala sa payapang pamumuhay ng mga residente. Sa Gumaca, Quezon, pinahinto sa tsekpoynt at iligal na hinalughog ang isang dyip. Nag-istraping naman ang mga sundalo sa Rizal, Occidental Mindoro. Samantala, tatlong kabataang Tadyawan ang dinahas noong Enero 12 sa Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro. Sapilitan ding lumikas ang mga residente mula sa anim na sityo sa tatlong barangay ng Socorro at apat na sityo sa tatlong barangay ng Victoria mula Enero 13.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/fmo-sa-southern-tagalog/

CPP/Ang Bayan: Trapik sa Pilipinas,ikalawang pinakamatindi sa mundo

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Trapik sa Pilipinas,ikalawang pinakamatindi sa mundo

PUMANGALAWA ANG METRO Manila sa listahan ng mga lunsod sa buong mundo na may pinakamasahol na problema sa trapik. Ito ay ayon sa Traffic Index 2019, isang ulat na inilabas noong nakaraang buwan ng kumpanyang German na TomTom. Ang nasabing ulat ay tumatalakay sa sidhi ng problema sa trapik sa 416 na mayor na mga sentrong urban sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inilahad sa ulat na umaabot na sa 71% ang abereyds na tantos ng sidhi ng problema sa trapik sa mga kalsada ng Metro Manila. Anito, tinatayang 257 oras ang nawala sa kada motorista noong nakaraang taon dahil sa pagkaipit nila sa trapik. Paliwanag nito, ang 30-minutong byahe tuwing umaga ay nagiging 59 minuto dahil sa sikip ng mga kalsada. Samantala, ang parehong byahe ay nagiging 68 minuto naman tuwing gabi.

Pinakamasikip ang mga kalsada tuwing “rush hour” (alas-8 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-6 hanggang alas-7 ng gabi). Ang abereyds na tantos ng trapik ay pumapalo sa 128% tuwing gabi, at 95% tuwing umaga. Rumururok ito tungong 143% tuwing Biyernes ng alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/trapik-sa-pilipinasikalawang-pinakamatindi-sa-mundo/

CPP/Ang Bayan: Atake sa kabuhayan ng mga drayber ng Angkas at habal-habal

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Atake sa kabuhayan ng mga drayber ng Angkas at habal-habal



Dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pampublikong transportasyon sa buong bansa, maraming komyuter ang natutulak na tumangkilik sa serbisyo ng mga drayber ng mga motorsiklong taxi sa kalunsuran at habal-habal sa kanayunan. Imbis na paunlarin ang nabubulok nang sistema ng transportasyon, inuuna ng rehimeng Duterte ang pag-atake sa kabuhayan ng mga drayber na nais lamang na magtrabaho at tumulong sa mga komyuter. Patunay ito ng pagiging sagad-sagaring kontra-mamamayan ng rehimen at kawalan ng malasakit sa kapakanan ng nakararami.

Atake sa mga drayber ng Angkas

Araw-araw na kalbaryo ang dinaranas ng mga komyuter dahil sa napakatinding trapik at bulok na sistema ng pampublikong transportasyon. Para makaiwas sa trapik, marami sa Metro Manila at Metro Cebu ang umaasa sa serbisyo ng Angkas, isang kumpanyang nag-oopereyt ng mga motorsiklong taxi. Tinatangkilik ito ng mga komyuter dahil mas madaling makamaniobra at makalusot sa masisikip na mga kalsada. Malaking bagay ito para sa mga komyuter dahil nakatitipid sila ng oras at pamasahe.

Noong Disyembre 2016 lamang itinatag ang Angkas subalit mabilis na lumawak ang operasyon nito kasabay ng pagsidhi ng problema sa trapik. Dahil sa kawalan ng sapat at disenteng oportunidad sa trabaho, marami ang na-engganyo na magtrabaho sa kumpanya lalupa’t relatibong malaki ang kinikita ng mga pultaym na drayber nito (umaabot P1,500 kada araw). Noong Disyembre 2019 ay umabot na sa 27,000 ang kabuuang bilang ng mga drayber ng kumpanya.

Imbis na suportahan ng rehimen ang mga drayber, noong Disyembre 2019 ay inutusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Angkas na tanggalin sa trabaho ang 17,000 sa mga drayber nito. Ito ay para umano maging patas sa mga bagong opereytor ng mga motorsiklong taxi. Kabilang sa mga ito ang JoyRide at Move It na kapwa nagsimula ng kani-kanilang mga operasyon noong Enero. Sa ngalan ng “kumpetisyon,” nilimita ng LTFRB tungong 10,000 ang maksimum na bilang ng mga drayber na maaaring magtrabaho sa kada kumpanya.

Walang naging mekanismo ang LTFRB para tiyakin na masasalo ng mga bagong kumpanya ang mga tinanggal. Ang malawakang tanggalan sa Angkas ay hambalos hindi lamang sa kabuhayan ng mga drayber at kanilang mga pamilya kundi pati na rin sa daan-daanlibong mamamayan na umaasa sa kanilang serbisyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagdiskitahan ng rehimen ang mga drayber ng Angkas. Una nang kinansela ng LTFRB ang permit ng Angkas noong Nobyembre 2017 dahil nilalabag umano ng kanilang serbisyo ang batas trapiko. Noong Mayo 2019 na lamang pansamantalang pinayagan na muling mamasada ang mga drayber nito. Nakataktdang mapaso ang mga permit ng Angkas, JoyRide at Move It sa susunod na buwan. Magreresulta ito sa pagmasaker sa hindi bababa sa 30,000 trabaho sa Metro Manila pa lamang.

Atake sa mga drayber ng habal-habal

Bago pa man mauso ang serbisyo ng mga motorsiklong taxi, matagal nang patok sa masang anakpawis ang serbisyo ng mga drayber ng habal-habal. Ang habal-habal at “skylab” ay palasak na mga katawagan sa mga motorsiklong ginagamit bilang pampublikong transportasyon sa kanayunan at maging sa mga bayan na kulang ang pampublikong transportasyon. Praktikal ang gamit ng mga ito laluna sa liblib na mga komunidad na may makikipot, matatarik o di kaya’y masusukal na daang hindi kayang bagtasin ng mga traysikel at malalaking sasakyan.

May dalawang tipo ng habal-habal. Una ay yaong may nakadugtong na tablang kahoy sa upuan. Maaari itong magsakay nang hanggang sa limang pasahero. Ang ikalawang tipo naman ay yaong may pakpak o dalawang tablang kahoy sa parehong tagiliran. Maaari itong makapagsakay nang hanggang sa 13 pasahero.

Kadalasan ding ginagamit ng mga residenteng magsasaka ang mga habal-habal para sa transportasyon ng kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan. Ginagamit din ang mga ito para ikarga ang kanilang mga bagahe at maging mga alagang hayop.

Ang mga drayber ng habal-habal ay maituturing na bahagi ng malaproletaryado sa kanayunan. Dahil sa kakulangan ng kita at laganap na pangangamkam at pagpapalit-gamit ng lupa, maraming magsasaka ang natutulak na maghanap ng dagdag na mapagkakakitaan. Kabilang sa mga alternatibong pinagkukunan ng kita ng maraming magsasaka ang pamamasada ng habal-habal.

Bagamat tinatangkilik ng masa, mahigpit itong ipinagbabawal ng reaksyunaryong gubyerno dahil labag umano sa batas trapiko ang pamamamasada ng habal-habal. Kalakhan din ng mga habal-habal sa mga prubinsya ay hindi naiparerehistro sa LTFRB dahil sa napakamahal at napakakumplikadong proseso ng aplikasyon. Dahil dito ay madalas na dinadakip ang mga drayber at kinukumpiska ang kanilang mga motorsiklo. Umaabot sa P5,000 ang multang ipinababayad sa mga drayber ng habal-habal. Madalas din silang mabiktima ng pangongotong ng mga sundalo at pulis sa mga tsekpoynt.

Dagdag na pasakit sa mga drayber ang baku-bakong mga kalsada sa kanayunan na mabilis na sumisira sa mga pyesa ng kanilang mga habal-habal. Pabigat din ang walang tigil na pagsirit ng presyo ng petrolyo at iba pang mga bilihin na higit pang nagpapaliit ng kanilang kakarampot na kita.

Ang gipit na kalagayang ito ang nagtutulak sa mga drayber na magbuklod at makibaka. Nag-oorganisa sila ng mga asosasyon sa iba’t ibang mga barangay para ipaglaban ang kanilang karapatan sa kabuhayan. Ang mga asosasyong ito rin ang nagtatakda ng mga patakaran sa pamamasada kagaya ng pag-iistandardisa ng pamasahe, pagtitiyak sa kaligtasan ng mga pasahero at iba pa. Ang mga asosasyon din ay namomobilisa sa panahon ng mga sakuna at kagipitan sa mga baryo. Naninindigan ang mga drayber na ang kanilang pagparoo’t parito sa mga kalsada ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na hanap-buhay at obligasyon na magbigay ng serbisyo sa kanilang mga kababaryo.

Gayunpaman, maging sila ay biktima ng mga pasistang panunupil ng mga armadong pwersa ng estado. Layunin nito na patahimikin ang mga drayber at supilin ang kanilang lehitimong paglaban para sa kabuhayan. Kabilang sa mga pinakahuling kaso ng panunupil sa mga drayber ang pagpaslang ng mga elemento ng 3rd ID kay Lito Itao, awditor ng Guihulngan City Habal-habal United Operators and Drivers Association noong Hunyo 2019 sa Negros Oriental. Para bigyang katwiran ang krimen, pinalabas ng mga pasista na kasapi umano ng Bagong Hukbong Bayan ang biktima.

Ang panunupil ng reaksyunaryong estado ang nagtutulak sa mga drayber ng habal-habal na direktang mag-ambag sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Kabilang sa mga gawaing ginagampanan nila ang regular na pagbibigay ng suportang lohistikal at paniktik sa mga Pulang mandirigma.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/atake-sa-kabuhayan-ng-mga-drayber-ng-angkas-at-habal-habal/

CPP/Ang Bayan: Dakilain at tularan ang diwa ng FQS—JMS

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Dakilain at tularan ang diwa ng FQS—JMS

Sa ika-50 taong anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS), ginunita ng iba’t ibang organisasyon ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan. Simula Enero 26, inilunsad ang serye ng mga aktibidad sa pangunguna ng FQS Movement. Ayon kay Prop. Jose Maria Sison, dakila at napapanahong tungkuling gunitain ang FQS ng 1970 at tularan ang mga aktibista na lumahok sa daluyong na ito sa pamamagitan ng mga mobilisasyon, talakayan at iba pang pagtitipon.

Inianak ng FQS ang maraming kabataang aktibista at grupo ng mga kabataan. Naging susi ito sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga kabataan. Pinasigabo nila ang pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusan at nanguna sa gawaing masa sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka, katutubo, kabataan, kababaihan at mga prupesyunal. Pinalakas din nila ang hanay ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Pagbabahagi pa ni Sison, mabilis na dumami ang kasapian ng Partido, Bagong Hukbong Bayan at iba pang pangmasang organisasyon bilang resulta ng FQS. Nang ideklara ang batas militar noong Setyembre 21, 1972, malaking bilang ng mga aktibista ang lihim na kumilos at lumahok sa paglaban sa pasistang rehimen.

Bukod sa talakayan, nagtipon din ang mga beterano at bagong mga aktibista sa Mendiola noong Enero 30 upang alalahanin ang ika-50 taon ng “Battle of Mendiola.” Isa itong pagkilos ng may 10,000 kabataang estudyante laban sa pasismo ng diktadurang US-Marcos. Bilang tugon sa kanilang rali, dinahas ng Metrocom ang libu-libong aktibista. Sinagot naman ito ng mas malalaki pang protesta ng mga mag-aaral at manggagawa sa MalacaƱang.

Nagsama-sama sa aktibidad ang mga matatanda at nakababatang aktibista. Para sa kanila, ang mismong dahilan ng FQS ay nagpapatuloy at mas matindi pa sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ayon kay Prof. Judy Taguiwalo, aktibista at isa sa mga lumahok sa FQS, malinaw na halimbawa nito ang Executive Order 70 na nakadisenyo upang sikilin ang karapatan ng mamamayan.

Naglunsad din ng programa sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Enero 26. Binigyang-pugay ang lahat ng kabataan at sektor na nanguna sa kilusang bayan laban sa diktadurang Marcos. Kinilala rin ang pakikibaka ng kasalukuyang henerasyon para sa tunay na demokrasya at kalayaan, at inihayag ang pagsuporta sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP at panawagang palayain ang mga bilanggong pulitikal.

Dumalo rito ang mga kaanak ng mga martir at bayani noong batas militar na sina Rizalina Ilagan, Emmanuel Lacaba, Antonio Zumel, Ma. Lorena Barros at Edgar Jopson.
Pumutok ang FQS noong Enero 26, 1970 at nagtapos noong Marso 1970. Malaki ang naging papel nito sa dumaluyong na kilusang masa hanggang sa mapatalsik ang diktador na si Marcos.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/dakilain-at-tularan-ang-diwa-ng-fqs-jms/

CPP/Ang Bayan: Iba’t ibang mukha ng pandarambong sa FSMR

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Iba’t ibang mukha ng pandarambong sa FSMR



Mahigit tatlong taon na ang mga kampanyang panunupil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Far South Mindanao Region (FSMR). Naglulunsad ito ng sustenido at papatinding mga operasyong militar sa mga prubinsya sa rehiyon para ipagtanggol ang panghihimasok at pandarambong ng mga multinasyunal at lokal na kumpanya sa agribisnes at mina.

Sa tabing ng Community Support Program, kinukubkob ng militar ang agrikultural na mga komunidad at mga kagubatan para padaliin ang pangangamkam ng lupa. Tinatakot at ginigipit ang mga magsasaka, laluna ang mga maralita, para supilin ang kanilang paglaban. Ang tumatangging magbigay ng kanilang lupain ay inaakusahang mga terorista at dinarahas.

Pangangamkam ng mga kumpanya sa agribisnes

Agresibong pinalalawak ng mga kumpanya sa agribisnes ang mga plantasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang porma ng pangangamkam ng lupa at mga iskema sa pagtatanim ng mga produktong pang-eksport. Kasabay nito, dagsa naman ang mga kumpanya sa mina.

Nagpapatupad ang mga kumpanya sa agribines ng mapagsamantalang mga iskema gaya ng sistemang leasehold at growership para mapalawak ang kani-kanilang plantasyon. Sa ilalim ng sistemang leasehold, inuupahan ng kumpanya ang mga lupang pribado o publiko para gawing plantasyon, madalas sa napakababang presyo. Ang growership naman ay sistema kung saan nagpapatanim ang kumpanya sa mga pribadong indibidwal. Sagot ng kapitalista ang lahat ng gastos pero obligadong ibenta sa kumpanya ang produkto sa presyong dikta nito.

Sa kaso ng Dole Philippines Inc. (Dolefil), lokal na subsidyaryo ng multinasyunal na Dole Food Company na nakabase sa US, tinatayang lumawak tungong 70,000 ektarya ang saklaw ng operasyon nito dahil sa pagpapatupad ng nasabing mga iskema. Ito ay kahit mayroon lamang minamantine na 9,364-ektaryang baseng plantasyon ang kumpanya.

Mula 2014, walang puknat ang mga operasyong kombat ng Task Force Central ng 6th ID sa Sultan Kudarat para bigyang daan ang ekspansyon ng mga plantasyon. Sa unang taon ng panliligalig nito, lumawak nang mahigit pitong beses (mula 220 ektarya tungong 1,574) ang mga plantasyon ng saging ng mga multinasyunal pa lamang. Sa sumunod na tatlong taon ay lumawak pa ito nang 70% (tungong 2,677 ektarya). Kabilang sa nakinabang rito ang Dolefil at Sumifru Philippines Corporation (lokal na subsidyaryo naman ng multinasyunal na Sumitomo Corp. na nakabase sa Japan).

Malawakan ding ipinaloob ng NestlƩ Philippines ang mga lupang agrikultural sa mga konsesyon para sa pagtatanim ng kapeng pang-eksport. Kontrolado nito ang mayorya ng produksyon ng kape sa buong Sultan Kudarat, na ikalawang pinakamalaking prubinsyang nagpoprodyus ng kape sa buong bansa. Dagdag pa rito, humigit-kumulang sa 12,000 ektarya ng mga plantasyon ng kape rin ang kontrolado ng M&S Company at Silvicultural Industries Inc., mga kumpanyang pag-aari ng pamilyang Consunji.

Naging mabilis din ang paglawak ng mga plantasyon ng rubber (goma) at oil palm sa rehiyon sa nagdaang dekada. Lumawak ang kabuuang erya ng mga plantasyon ng rubber mula 31,235 ektarya noong 2009 tungong 63,500 noong 2018. Tinatayang 91% nito o 58,000 ektarya ang matatagpuan sa North Cotabato.

Sa kabilang banda, lumawak naman mula 14,609 ektarya noong 2010 tungong 20,500 noong 2018 ang kabuuang erya ng mga plantasyon ng oil palm. Kalahati nito o 10,105 ektarya ang matatagpuan sa Sultan Kudarat.

Kabilang sa mga pinakaapektadong lugar sa rehiyon ang Barangay Ned sa Lake Sebu, South Cotabato. Ang barangay at mga kanugnog nito ay target ng pagpapalawak ng mga multinasyunal na plantasyon. Itinuturing ng reaksyunaryong lokal na pamahalaan ang lugar bilang pinakamainam na sonang pang-agribisnes sa lalawigan. Ang Ned ang pinakamalawak na barangay sa buong bansa na sumasaklaw sa 41,200 ektaryang lupain. Bahagi ito ng lupang ninuno ng mga Lumad na T’boli, Tiruray, Ubo at Manobo.

Panghihimasok ng mina
Sa rehiyon, ang mga reserbang mineral tulad ng ginto, tanso at iron ay matatagpuan sa mga prubinsya ng North Cotabato (Pigcawayan at Magpet), Sultan Kudarat (Kalamansig, Palimbang, Bagumbayan at Columbio), South Cotabato (Tampakan, Lake Sebu at T’boli) at Sarangani Province (Maitum, Kiamba, Maasim at Glan).

Mahigit 30 multinasyunal at lokal na kumpanya ang kasalukuyang nag-oopereyt o kaya’y nag-aayos ng aplikasyon para sa malawakang pagmimina sa nabanggit na mga lugar. Umaabot na sa 224,103 ektarya ang eryang saklaw ng operasyon ng mga kumpanyang ito.

Sampu sa mga kumpanyang ito ang ginawaran na ng mga kontrata para mag-opereyt sa 63,559 ektaryang lupain ng rehiyon. Gayunman, ang Sagittarius Mines Inc. lang ang ginawaran ng reaksunaryong gubyerno ng Financial and Technical Assistance Agreement para sa 28,539 ektaryang konsesyon nito sa Tampakan. (Basahin ang kaugnay na artikulo sa Ang Bayan, Oktubre 7, 2019). Apat na kumpanya naman ang may Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) para sa limang konsesyon na may kabuuang lawak na 17,439 ektarya. Pinahintulutan din ng reaksyunaryong estado ang eksplorasyon ng apat na kumpanya sa 17,579 ektaryang lupain.

Bukod sa mga nabanggit ay may nilalakad pang 27 aplikasyon sa pagmimina na sasaklaw sa 160,544 ektarya. Binubuo ito ng apat na mga aplikasyon para sa MPSA na sumasaklaw sa 10,323 ektarya, at 23 aplikasyon para sa exploration permit na sumasaklaw ng aabot sa 150,221 ektarya.

Laganap din ang pang-aagaw ng mga dayuhang kumpanya sa operasyon ng mina sa rehiyon. Sa kabundukan ng Daguma, Sultan Kudarat, walang kaabog-abog na inagaw ng kumpanyang Korean na General Resources Co., Ltd. (GRCO) ang minahan ng mga maliitang minero. Kasalukuyang nag-oopereyt ang subsidyaryo nitong GRCO Isulan Mining Corporation sa 4,500 ektarya sa Barangay Kinayaw, Bagumbayan.

Pumasok din sa lugar ang mga kumpanyang Chinese na Epochina Mining Corporation at Xin Lin International Mining Corporation. Aabot sa 4,549 ektarya ang pinagsamang lawak ng mga konsesyon ng nasabing mga kumpanya. Ang Xin Lin Mining ay subsidyaryo ng Shanghai Xin Lin International Trading Company Ltd., isa sa pinakamalaking taga-eksport ng mga produktong asero ng bansang China.

Kasalukuyan namang pinuproseso ang aplikasyon ng kumpanyang British na Alphaville Mineral Resources, Inc. para sa eksplorasyon ng ginto, tanso at pilak sa 16,133 ektarya sa mga bayan ng Tulunan, North Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/ibat-ibang-mukha-ng-pandarambong-sa-fsmr/

CPP/Ang Bayan: 5 sundalo patay sa armadong aksyon ng BHB

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): 5 sundalo patay sa armadong aksyon ng BHB

LIMANG SUNDALO ANG nasawi sa aksyong militar na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro noong Enero 26. Binigwasan ng BHB ang pwersa ng 4th IB sa Sityo Kianay, Barangay Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro, ang armadong aksyon ay tugon sa tumitinding nakapokus na operasyong militar sa Timog Mindoro. Nagsimula ang pananalasa ng militar noong Enero 11 sa Bulalacao, Oriental Mindoro at sa mga bayan ng Magsaysay at San Jose sa Occidental Mindoro.

Sagot din ang opensiba sa Retooled Community Support Program Operations na ginagamit ng AFP para linlangin at takutin ang mga mamamayan ng Mindoro.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/5-sundalo-patay-sa-armadong-aksyon-ng-bhb/

NDF/Sison: Will Duterte scrap all military agreements with the US?

Jose Maria Sison propaganda statement posted to the National Democratic Front Philippines (NDFP or NDF) Website (Feb 15, 2020): Will Duterte scrap all military agreements with the US?
15 February 202016 February 2020
4 mins read

By Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant

Will Duterte scrap all military agreements with the US? It is difficult or even impossible to believe that Duterte would scrap all military agreements with the US, including the Mutual Defense Treaty, Mutual Logistics and Support Agreement and the Enhanced Defense Cooperation Agreement.
It still remains to be seen whether he would stick to the termination of the VFA all the way.



Just by giving the US a notice of terminating VFA, he has aroused quite a number of pro-US military officers to talk against him and curse him for prejudicing hundreds of projects under the VFA. Some of these officers have been talking about a coup. Quite a number of them are assets of the US Defense Intelligence Agency and Central Intelligence Agency and are loyal to their pocketbooks rather than to the Filipino people.

It would be laudable if Duterte would scrap all the military agreements with the US. For him to do so and counter any coup threat from pro-US military officers, he would need to invoke national sovereignty and at the same time complement this with highly patriotic and progressive social, economic and political reforms to get solid support from the people as in Cuba, Vietnam and Venezuela.

Thus, he would be able to get the support of the truly patriotic military officers and the enlisted personnel in the military whose families would be benefited by such reforms, especially land reform and national industrialization.

With the said reforms, he can make a lasting peace with the revolutionary movement. Instead of wasting public funds for heavy military expenditures and corruption, he would be able to redirect the resources to industrial development and rural development.

Scrapping all the military agreements with the US would truly assert national sovereignty and territorial integrity. But this must be complemented by national industrialization and genuine land reform in order to ensure the support of the Filipino people and their revolutionary movement.

https://ndfp.org/will-duterte-scrap-all-military-agreements-with-the-us/