Tuesday, June 4, 2024

CPP/NPA-Masbate/Bicol ROC: Pakikiramay sa mga militar na napatay sa engkwentro sa Barangay Lague-lague, Cawayan

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 3, 2024): Pakikiramay sa mga militar na napatay sa engkwentro sa Barangay Lague-lague, Cawayan (Condolences to the military who were killed in the encounter in Barangay Lague-lague, Cawayan)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

June 03, 2024

Lima ang napatay sa tropa ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army-Charlie Company mula sa mahusay na pagharap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan sa engkwentrong naganap sa Barangay Lague-lague, bayan ng Cawayan noong Mayo 23, 2024.

Nagmamaniobra ang Hukbo mula sa pagtulong sa problema ng komunidad nang maka-engkwentro ang mga nag-ooperasyong militar. Ligtas na nakamaniobra ang mga kasama.

Nakikiramay ang JRC-BHB Masbate sa mga pamilya nang napatay na mga tropa ng militar.

Sila ang pinagbabayad sa gerang sila Marcos Jr., Gov. Kho at matataas na upisyal ng AFP-PNP lamang ang nakikinabang. Marami sa mga sundalong ito ay nalinlang lamang ng mataas na sweldo. Marami sa mga sundalong ito ay natatakot pumasok sa sona at maghanap ng NPA. Para matulak na sumama, pinagagamit ang mga ordinaryong kawal ng bawal na droga tulad ng shabu para mag-operasyon, hanapin ang NPA at pumatay ng sibilyan kung walang matugis na Hukbo.

Kasuklam-suklam na itinatago ng mga upisyal ng 2nd IBPA ang kanilang kaswalti. Paglapastangan ito sa mga nasawi at kanilang pamilya.

Batid ng mga ordinaryong sundalo at pulis na ito na hindi kailanman magagapi ang rebolusyonaryong armadong paglaban. Walang katulad ang pagmamahal at suporta ng mga Masbatenyo sa NPA dahil alam nilang ang digmang bayan ay makatarungan at tunay na solusyon sa kahirapan. Samantala, isinusuka ng mga Masbatenyo ang AFP-PNP-CAFGU bilang mga berdugo, mamamatay-tao at bayarang armado ng mga pinakagahaman at pinakahayok sa kapangyarihan.

Alam ng mga sundalong ito na ang kanilang pang-aabuso at terorismo ay may hangganan. Alam nilang hindi nila matatakasan ang rebolusyonaryong hustisya.

Hinihikayat ng BHB-Masbate ang mga ordinaryong sundalo at pulis na lisanin na ang kanilang pinagsisilbihang institusyon. Hindi niyo kaya ang sakripisyo at hindi kayo handang mamatay para sa sweldong pwede namang kitain sa marangal at sibilyang pamamaraan. Dapat isipin nila ang kanilang mga pamilya bago mahuli ang lahat.

https://philippinerevolution.nu/statements/pakikiramay-sa-mga-militar-na-napatay-sa-engkwentro-sa-barangay-lague-lague-cawayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.