Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 22, 2022): Magsasaka, pinatay ng 62nd IB sa Negros Occidental (Farmer, killed by 62nd IB in Negros Occidental)
April 22, 2023
Labag sa internasyunal na makataong batas na pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Jose “Jojo” Albores Jr noong Abril 18 sa Sityo Upper Tiyos, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Pinalalabas ng mga sundalo na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Albores at napatay sa isang “engkwentro.”
Ayon sa ulat ng mga residente, pinaulanan ng bala ng isang platun ng tropa ng 62nd IB si Albores Jr sa kanyang bahay habang naghahanda ng tabako na ititinda niya sa Barangay Alingasaw. Nagdulot ng labis na takot at troma sa kanyang asawa, anak, at mga kabitbahay ang naturang insidente.
Hinihinalang tinarget ng militar si Albores Jr matapos niya samahan ang kapitbahay niyang magkapatid na Jeffrey at Jessel Gella noong Abril 8 sa istasyon ng pulis para magpa-blotter kaugnay ng pagransak sa bahay, pagtoryur at pananakit ng 62nd IB noong Abril 7.
Sa pahayag ng BHB-Central Negros, sinabi nitong kasinungalingan ang pinakakalat ng militar na mayroong engkwentro sa lugar. Inilinaw pa nito na “walang presensya ng BHB sa lugar.”
Pinalalabas pa ng 62nd IB na nakakuha sila ng isang KG9, isang granada, mga subersibong dokumento at personal na gamit.
Iba pang pag-atake ng militar
Samantala, sapilitang pinasok ng mga sundalo ng 62nd IB ang bahay ng mga magsasaka sa Sityo Agogolo, Barangay Macagahay noong Abril 21. Pinalalayas ng mga sundalo ang mga magsasaka sa naturang lugar. Binantaan nila ang pamilya Ebarle na papatayin kung hindi sila lalayas sa lugar sa loob ng dalawang araw. Dulot nito, pwersahang lumikas ang ibang residente mula sa komunidad.
Sa Himamaylan City, nagpaputok ng M203 grenade launcher ang mga sundalo ng 94th IB sa Sityo Pisok, Barangay Buenavista dahil mayroon umanong “presensya ng BHB” sa naturang lugar. Mula Abril 15 hanggang Abril 18 ay nag-operasyon ang tinatayang 70 sundalo at CAFGU sa naturang sityo.
Kasunod nito, sapilitang pinasok at hinalughog din ang bahay ni Joel Casusa. Liban dito, pinagbubunot ng mga sundalo ang 300 bagong tanim na gabi at higit 50 puno ng saging.
Sa Negros Oriental, sapilitang pinasok at hinalughog ng 62nd IB ang bahay ng pamilya Villegas sa Sityo Ban-ban Uno, Barangay Guba, Vallehermoso noong Abril 21. Inaresto rin sa serye ng panghahalughog ang 57-anyos na magsasakang si Lucricio Villegas. Dinala siya ng mga sundalo at hanggang ngayon ay hindi pa natutunton ng pamilya.
Ang pag-atake sa mga sibilyan ay labag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).
Nilabag nito ang Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL: “Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/magsasaka-pinatay-ng-62nd-ib-sa-negros-occidental/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.