Wednesday, September 8, 2021

CPP/Ang Bayan: 4 opensiba sa Samar, inilunsad ng BHB

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 7, 2021): 4 opensiba sa Samar, inilunsad ng BHB



Magkakasunod na armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Samar noong Agosto.

Sa Northern Samar, dalawang elemento ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang napaslang sa Barangay Happy Valley, San Isidro noong Agosto 21. Sa parehong araw, isang sundalo ng 43rd IB ang napaslang sa labanan sa Barangay Palanit.

Bago nito, isang pulis ang napaslang sa labanan noong Agosto 19 sa Barangay Geparayan, Silvino Lobos. Sa Las Navas noong Agosto 17, inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong mga elemento ng 20th IB sa Barangay Epaw. Napatay dito ang isang sundalo at napalayas ang yunit militar sa erya matapos ang dalawang araw.

Isang operasyong haras ang inilunsad ng BHB-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) laban sa 7-kataong yunit ng 63rd IB sa Sityo Burabod, Barangay Mabini, Basey, Western Samar noong Agosto 7.

Sa Negros Oriental, napaslang ang dalawang upisyal at isang elemento ng CAFGU sa mga operasyong partisano ng BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command). Nasamsam sa kanila ang isang pistolang Ingram at mga bala. Inilunsad ang unang operasyon sa Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Agosto 18 samantalang ang dalawa pang aksyong militar ay noong Setyembre 2 at 3 sa Barangay Pinukawan, Vallehermoso at Barangay Nasunggan, La Libertad.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/09/07/%ef%bb%bf4-opensiba-sa-samar-inilunsad-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.