Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 2, 2021): Paramihin ang mga petisyong layas-militar sa rehiyon! Palayasin ang mga pasistang militar sa kanayunan!
PATNUBAY DE GUIASPOKESPERSON
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
JUNE 02, 2021
Nagpupugay ang NDFP-ST sa ipinamalas na katapangan at pagkakaisa ng mamamayan ng Quezon para patalsikin ang apat na kampo militar sa kanilang baryo. Sa pamamagitan ng mga petisyon, napalayas ng mga residente ng mga barangay Sta. Elena at Cawayan sa Lopez; at Vista Hermosa at P. Herrera sa Macalelon ang mga kampo ng sundalo sa kanilang lugar.
Inireklamo ng mga residente ng Brgy. Sta. Elena ang bandalismo ng mga sundalo sa kanilang barangay hall. Nag-iiwan dito ng mga kalat at dumi ang mga abusadong militar na pinalilinis sa mga taumbaryo. Bunsod nito, pinagbawalan ng mga residente na tumuloy dito ang mga pasista.
Sa Brgy. Cawayan naman, napilitang umalis ang mga sundalo dahil ayaw ng mga residente na malapit ang kampo sa baryo.
Pinalayas naman ng mga taga-barangay Vista Hermosa ang kampo sa kanilang lugar dahil sa kaguluhan at perwisyong inihahatid ng mga pasista. Noong Enero 31, namatay ang alagang kabayo ng isang residente matapos magpaputok ang mga lasing na CAFGU at militar dahilan para magpetisyon ang mga taumbaryo sa Sangguniang Barangay na palayasin ang militar. Noong Mayo 17, inilipat ng mga sundalo ang kampo sa P. Herrera, karatig na baryo, ngunit kagyat silang sinalubong ng nagrereklamong mamamayan.
Pinalayas ng mamamayan ng Quezon ang mga militar sa gitna ng nagpapatuloy na focused military operations ng 59th IBPA at 85th IBPA sa 34 barangay ng Lopez, Macalelon at Gumaca. Mahigit isang buwan nang nag-ooperasyon ang mga berdugong militar mula pa noong Abril. Aabot sa dalawang laking kumpanya ng AFP-PNP-CAFGU ang sumasaklaw sa mga naturang lugar. Nagsisilbi silang bantay sa konstruksyon ng dalawang mapanirang proyektong dam sa Brgy. Vista Hermosa.
Pinatunayan nitong hindi hadlang ang sandata at pananakot ng militar sa pagbubuklod ng bayan. Inspirasyon ang pagkilos ng mga Quezonin sa iba pang mamamayan ng TK na piniperwisyo rin ng mga kampo militar. Hinihikayat ang bawat baryo na may presensyang militar na maglunsad ng kilusang masa upang palayasin ang mga tampalasang AFP-PNP at pigilan ang pagtatayo ng mga kampo sa kanilang lugar. Ilantad ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga berdugong militar at magsampa ng kaso laban sa AFP-PNP-CAFGU ayon sa CARHRIHL.
Tutulan ang mga operasyong retooled community support program na tabing ng mga sundalo para makapanatili sa mga komunidad at wasakin ang pagkakaisa ng mga taumbaryo. Puspusang ilantad at batikusin ang mga teroristang krimen ng AFP at rehimeng Duterte. Kasabay nito, kailangang ipagpatuloy ng mamamayan ang kanilang panawagan para sa ayuda, serbisyong medikal at bakuna sa gitna ng lumalalang krisis ng pandemyang COVID-19.
Higit pang palawakin at patatagin ang mga organisasyong masa sa rehiyon upang bigkisin ang pagkakaisa at itaas ang diwa at kakayahan ng mamamayan na lumaban. Makipagtulungan at lalupang pahigpitin ang ugnayan sa NPA upang biguin at bigwasan ang palalong kaaway. Sa harap ng hagupit ng kampanyang panunupil ng rehimen, ibayo pang sumulong at makibaka sa landas ng pambansa demokratikong rebolusyon.###
https://cpp.ph/statements/paramihin-ang-mga-petisyong-layas-militar-sa-rehiyon-palayasin-ang-mga-pasistang-militar-sa-kanayunan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.