Posted to Kalinaw News (Sep 17, 2020): Provincial at Municipal aid ibinahagi sa 11 na dating rebelde
Bilang karagdagan, binigyan din sila ng food packs at mga medisina. “Kami sa LGU kasama ang 73rd Infantry Battalion ay abot-kamay niyo lamang lalo na’t marami nang kasundaluhan sa kabundukan. Kung kaya’t sa pandemyang ating tinatamasa, ang Municipal Health Office ay laging bukas upang maibsan ang inyong masamang karamdaman,” saad ni Hon. Jason Joyce, Alkalde ng munisipyo.
Nais ding ipaabot ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB na nirepresentahan ni 1st Lt. Mark Francis Gatan, Kumander ng Bravo Compnay, ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga tulong na ibinabahagi sa mga dating rebelde. “Dahil nararamdaman na ng mamamayan ang gobyerno at sa kooperasyon nila na hindi sumapi sa mapaglinlang na rebelde, nagkaroon ito ng magandang epekto. Kaunti na lamang ang hinaharap nating rebelde,” dagdag ni Lt. Col. Valdez.
Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay namahagi din ang probinsya ng tulong pinansyal sa 9 na dating rebelde sa munisipyo ng Malita, Davao Occidental.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/provincial-at-municipal-aid-ibinahagi-sa-11-na-dating-rebelde/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.