NEW PEOPLE'S ARMY
SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
JUNE 17, 2019
Pinakamataas na antas ng pagkundena ang ipinapahayag namin sa ekstrahudisyal na pamamaslang na ginawa ng mga death squad ni Duterte sa dalawang staff ng Karapatan-Sorsogon.
Sina Ryan Hubilla, 22 taong gulang, grade 12 student sa Sorsogon National Highschool, residente ng Brgy. Trece Martirez, Casiguran at Nelly Bagasala, 69 taong gulang, may asawa at anak, residente ng Brgy. Sta. Lourdes, Barcelona, Sorsogon ay pababa ng traysikel sa Phase 2, Seabreeze Homes Subdivision, Brgy. Cabid-an, Sorsogon City ng pagbabarilin ng dalawang salaring nakamotorsiklo nitong Hunyo 15. Nakatakbo palayo at nakaligtas sa pamamaril ang kasama nilang si Maria Lagadia at ang drayber ng traysikel.
Bago sila paslangin, ilang beses nang hinaharas at binabantaan ng mga elemento ng 31st IBPA at MICO ang mga biktima. Pinagbibintangan silang mga protektor ng NPA. Tumindi pa ang pagmamanman sa kanila nang tumulong sila sa pag-aayos ng mga papeles para sa paglaya ng tatlong bilanggong pulitikal sa Sorsogon City District Jail noong Hunyo 14.
Sina Hubilla, Bagasala at Lagadian ay mga boluntaryong indibidwal na gumagampan ng hindi matatawarang mga sakripisyo upang matulungan ang kapwa nila mga Sorsoganon na biktima ng mga paglabag sa karapatang tao.
Ang lantaran at walang-habas na pamamaslang kahit sa kalunsuran ng rehimeng US-Duterte sa ilalim ng Memorandum Order 32 ay pagpapakita lamang ng kanyang karuwagan sa harap ng tumitinding paglaban ng mamamayan.
Nananawagan kami sa lahat ng may malasakit sa karapatang tao na makiisa sa pagtuligsa at pagpapakita ng galit sa pagpatay kina Hubilla at Bagasala. Lalong mag-uulol ang mga berdugo ng rehimeng Duterte kung mananahimik at matatakot ang taumbayan.
Hinahamon naman namin ang lahat ng mga bagong halal na opisyal ng lokal na reaksyunaryong gobyerno ng Sorsogon na nangakong magsisilbi sa bayan na magpakita at magbigay ng suporta sa pamilya ng mga biktima sa paghingi ng hustisya.
Alam ng lahat na mga ahente ng estado ang nasa likod ng mga pagpatay na ito. Sisingilin namin ang sinumang opisyal na kukunsinti at hindi kukundena sa ganitong mga paglabag.
Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command – BHB Sorsogon
https://www.philippinerevolution.info/statement/kundenahin-ang-pagpaslang-sa-2-human-rights-worker/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.