NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
JUNE 17, 2019
Press statement
Patnubay de Guia
Spokesperson, National Democratic Front-Southern Tagalog
June 14, 2019
Libo-libong buhay at ari-arian ng mga katutubong Dumagat at Mamamayan ng Real, Infanta at Nakar sa Quezon at Tanay sa Rizal ang nalalagay sa panganib dahil sa Proyektong Kaliwa Dam.
Walang pakialam si Duterte sa dalang panganib at posibleng kahinatnan ng libu-libong buhay at ari-arian ng mga katutubong Dumagat at mamamayan sa Real, Infanta, Nakar sa Quezon at Tanay sa Rizal dahil sa proyektong Kaliwa Dam. Para sa kanya, ang mahalaga ay may mapagkakitaan ang kanyang pamilya, mga kaibigang Filipino-Tsino at malalapit na lokal na burgesya komprador mula sa mga nakahanay na proyekto sa ilalim ng kanyang Build, Build, Build Program.
Ang pondo ng proyektong Kaliwa Dam ay mula sa pinasok ni Duterte na kasunduan sa utang sa gubyernong China sa pamamagitan ng China’s Official Development Assistance to the Philippines (CODAP) sa halagang $211.21 Milyon o katumbas na P18.7 Bilyon. Ang Kaliwa Dam ay isa sa siyam na infrastructure flagship projects ng gubyernong Duterte na popondohan sa ilalim ng CODAP.
Ngunit para sa mga rebolusyonaryo, mga progresibo at patriyotikong grupo at indibidwal, ang mga kasunduan ay makaisang panig, punong-puno ng kontrobersya dahil sa nagtataglay ito ng mga probisyon na pangunahing pumapabor sa bansang China. Isa itong malinaw na patibong at tahasang pagbebenta ng soberenya at patrimonya ng bansa dahil mismong nakasaad sa kasunduan na sakaling di makabayad ang Pilipinas sa mga utang nito sa China may karapatan ang bansang China na kunin ang mga pag-aari ng gubyerno ng Pilipinas o isang bahagi ng teritoryo ng bansa bilang kabayaran sakaling manalo sila sa arbitrasyon na isasagawa Hongkong alinsunod sa kanilang batas.
Nakasaad din sa kasuduan na ang pangunahing magpapatupad sa paggawa ng Kaliwa Dam ay ang kumpanyang China Energy Engineering Corporation Limited.
Ubos Kayang Labanan ang Mapanganib at Mapaminsalang Kaliwa Dam Project
Matibay, makatarungan at nakabatay sa kongkretong karanasan at pangyayari sa kasaysayan ang pinanggagalingan ng matinding oposisyon sa proyekto ng mga lokal na pamahalaan ng Infanta, Quezon at Tanay, Rizal kabilang ang mga kaparian ng Prelature of Infanta. Bukod sa maraming katutubong Dumagat at Remontado ang madidisloka ng proyekto, nangangamba silang maulit ang malagim na trahedya na nangyari sa kanilang bayan noong 2004 kung saan mahigit sa 1,600 mamamayan ng Real, Infanta at Nakar ang namatay dulot ng rumaragasang baha galing sa Ilog ng Agos at mga pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre sanhi ng apat na magkakasunod na bagyong tumama sa silangang bahagi ng Luzon sa pagitan ng Nobyembre 14 at Disyembre 4, 2004. Kabilang sa mga ito ang mapaminsalang bagyong Winnie na tumama sa Silangang Luzon noong Nobyembre 29, 2004.
Sakaling matuloy at maging operational ang Kaliwa Dam, kailanman ay hindi magkakaroon ng kapanatagan ang mga mamamayan sa Real, Infanta at Nakar sa Quezon at maging sa Tanay Rizal. Laging iiral ang pangamba at takot sa hanay nila dahil sa potensyal na panganib na hatid ng Dam sa kanilang buhay at ari-arian lalo na kapag may dumarating na bagyo at malalakas na pag-ulan sa lugar. Sariwa pa sa kanilang ala-ala ang naganap na trahedya nuong 2004 kung saan nagmistulang malaking libingan ng kanilang mga mahal sa buhay ang ilang mga barangay sa Real, Infanta at Nakar bunga ng pagragasa ng tubig at putik mula sa kabundukan ng Sierra Madre. Hindi kayang garantiyahan ng Kaliwa Dam na walang magaganap na trahedya sa panahon ng pag-iral nito. Bagkus pinalalaki lang ng Kaliwa Dam ang posibilidad at potensyal na muling maulit ang malagim na trahedya nuong 2004.
Kailangang magsama-sama ang mga mamamayang nagmamahal sa kalikasan at sa mga katutubong lagi na lang nabibiktima ng mga pro-kapitalista at pro-imperyalistang mga proyekto ng reaksyunaryong gubyerno tulad ng Kaliwa Dam. Ibayong pahigpitin ang hanay at kapit-bisig na ipagtanggol ang kapakanan ng mga katutubo at mamamayan sa lugar at proteksyunan ang kapaligiran laban sa kagustuhan ng mga lokal na burgesya kumprador at amo nitong mga imperyalista na dambungin at salaulain ito sa ngalan diumano ng “kaunlaran”. Nagawa na nating pigilan ang proyekto sa panahon ng mga nagdaang rehimen. Kayang magawa din ito ngayon sa panahon ng rehimeng US-Duterte basta ang lahat ng mga apektado at mga tumututol sa proyekto ay magsasama-sama at magsasagawa ng iba’t ibang tipo ng paglaban upang hadlangan ang proyektong Kaliwa Dam.
Ang NDFP-ST ay nakikiisa at sumusuporta sa lahat ng nakikibakang mamamayan na tumututol sa mapaminsalang proyektong Kaliwa Dam. Laging handa ang rebolusyonaryong hukbo ng mamamayan na magsagawa ng mga punitibong aksyong militar para ipagtanggol ang kapakanan ng mga katutubo at mamamayan, protektahan ang kapaligiran sa anumang pagtatangkang wasakin ito at pigilan ang anumang mapaminsalang proyekto ng reaksyunaryong gubyerno na nagpopustura bilang mga proyektong pangkaunlaran.
Wasto, napapanahon at angkop ang naging pahayag ng Apolonio Mendoza Command ng New People’s Army ng probinsya ng Quezon na handa silang magsagawa ng mga taktikal na opensiba upang hadlangan ang proyektong Kaliwa Dam.###
https://www.philippinerevolution.info/statement/ubos-kayang-labanan-ang-mapanganib-at-mapaminsalang-kaliwa-dam-project/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.