Excerpt from the Tagalog edition of the propaganda publication Ang Bayan posted to the CPP Website (May 7): 50th IB, tinambangan sa Ilocos Sur
Dalawang beses na tinambangan ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Alfredo Cesar Command (Bagong Hukbong Bayan-Ilocos Sur) noong Mayo 1 at 2. Sa kabuuan, pitong sundalo ang napatay at hindi bababa sa walo ang nasugatan sa magkasunod na ambus.
Tatlong tropa ng 50th IB ang napatay habang dalawa pa ang nasugatan nang tambangan sila ng BHB sa Barangay Remedios, Cervantes, mga isang kilometro ang layo sa hedkwarters ng batalyon. Kinabukasan, Mayo 2, muling tinambangan ang ipinadalang pwersang reimporsment sa Barangay Malideg, sa kanugnog na bayan ng Quirino. Apat ang napatay at di bababa sa anim ang malubhang nasugatan sa pangalawang ambus na ito.
Ayon kay Ka Armando Silva, tagapagsalita ng Alfredo Cesar Command, ang dalawang matagumpay na ambus ay bahagi ng mga pamarusang aksyon ng BHB upang bigyang-katarungan ang di mabilang na mga biktima ng paglabag ng 50th IB sa karapatang-tao. Sa partikular, pagparusa rin ito sa nasabing batalyon dahil sa lubusan nitong pagtatanggol sa interes ng malawakan at mapangwasak na dayuhang pagmimina sa rehiyon ng Ilocos tulad ng Lepanto Consolidated Mining.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.