Wednesday, May 7, 2014

CPP/Ang Bayan: 5 armas, nasamsam sa Agusan del Norte

Excerpt from the Tagalog edition of the propaganda publication Ang Bayan posted to the CPP Website (May 7): 5 armas, nasamsam sa Agusan del Norte

Limang armas ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Front 21 ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northeast Mindanao Region (NEMR) mula sa Alston Mining Company, isang dayuhang kumpanya sa pagmimina sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte noong Abril 5. Ayon kay Ka Maria Malaya, tagapagsalita ng National Democratic Front-NEMR, isinagawa ang naturang hakbangin bilang pagparusa sa kumpanya sa pang-aagaw nito ng lupa at pangwawasak sa kalikasan.

Kinabibilangan ng dalawang kal .45 na pistola, dalawang .38 na rebolber at isang shotgun ang mga nasamsam ng mga Pulang gerilya. Bukod sa mga armas, nasamsam din ang isang laptop at labing-anim na VHF radio. Sinunog ng BHB ang dalawang back hoe, dalawang bulldozer, tatlong dumptruck, isang motorsiklo at ang upisina ng kumpanya.

Matapos ito, isang sundalo ng 3rd Special Forces Battalion ang napatay sa operasyong isnayp na inilunsad ng mga kasapi ng Front 21-BHB sa Sityo Lusong, Barangay Puting Bato, Cabadbaran, Agusan del Norte noong Abril 27. Makalipas ang dalawa’t kalahating oras, dalawa pang sundalo ang nasugatan sa operasyong isnayp ng BHB sa ibayong ilog ng Cabadbaran River, kaharap ng Sityo Lusong.

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140507/5-armas-nasamsam-sa-agusan-del-norte

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.