Divina Malaya
Spokesperson
Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna
NDF-Laguna
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
April 24, 2023
Pinakamainit at rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa probinsya ng Laguna para sa ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines! Tunay na kumikinang ang limang dekada ng maningning na tagumpay at ubos-lakas na pagpapatuloy ng pakikibaka ng rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan, at ibayong lumalakas ang mga makabagong rebolusyonaryo sa antas ng ideolohiya, pulitika, at organisasyon na pundasyon ng epektibong pagsulong ng ating pakikidigma. Isa ang MAKIBAKA sa 18 na organisasyong lihim na pumapaloob sa NDFP.
Bilang alyansa ng matibay at nagkakaisang pwersa ng mga rebolusyonaryong organisasyon at mga mahigpit na sumusuporta sa rebolusyon, nagsisilbing liwanag ang NDFP sa mamamayang lumalaban para sa kalayaan. Sa mga nagdaang reaksyunaryong gubyerno, aktibong nakiisa ang NDFP sa mga usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) bilang kinatawan ng sambayanan at upang isulong ang interes ng masang anakpawis. Bagama’t laging nauunsyami ang mga usaping ito dahil na rin sa paglabag ng gubyerno sa mga kasunduan, hindi tumitigil ang NDFP sa pagsisilbi sa sambayanan sa lahat ng paraan.
Isinusulong ng NDFP, sampu ng mga rebolusyonaryong pormasyon sa ilalim ng gabay nito, ang 12-puntong programa ng pambansa demokratikong pakikibaka para sa karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng mamamayang Pilipino. Kabilang dito ang paglaban para sa rebolusyonaryo at tunay na paglaya ng kababaihan sa lahat ng aspeto. Idinidiin sa puntong ito ang pagbasag sa sistemang pilit na nagnanakaw at kumikitil sa buhay at pangarap ng bawat babae sa lipunang Pilipino. Pinagtitibay ng NDFP, sa pangunguna ng dakilang Partido at sa tulong ng Bagong Hukbong Bayan, ang signipikanteng papel ng demokratikong rebolusyong bayan bilang siyentipikong solusyon upang bunutin at gapiin ang imperyalismong US, katutubong pyudalismo, at burukratang kapitalismo—ang tatlong mayor na kanser ng ating lipunan na walang pakundangang pinagsasaluhan ang Pilipinas.
Habang tinutupok ang bansa ng higanteng sosyo-ekonomikong krisis, pagsasawalang bahala ng administrasyong Marcos-Duterte, at mas umiigting na imperyalistang inisyatiba ng Amerika, mas lumilitaw ang kahalagahan ng pag-intindi sa umiiral na armadong pakikibaka at paglahok dito. Kasabay ng labis na kagutuman at paghihirap ng sambayanan ay ang pagpapatibay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na magbibigay pahintulot sa pagtatayo ng siyam na mga bagong base militar sa bansa kabilang na sa Palawan, at pagpasok ng higit 17, 000 na tropang ‘Kano para sa pinakamalaking Balikatan Exercises sa kasaysayan ng bansa. Nililinlang nito ang mamamayan upang mas mapalakas ang kontrol ng Amerika sa Asya habang ibinabalandra ang tabing na huwad na demokrasya at relasyon ng dalawang bansa. Sa kabilang banda, tiyak na sasaluhin ng kababaihan ang pambabalahura at karahasan mula sa pwersang militar hindi lamang ng Amerika kundi maging ng Pilipinas. Dahil sa nakaambang paggamit sa Pilipinas bilang teatro kung saan itatanghal ang digmaan sa pagitan ng mga nagtutunggaling imperyalista, mas lumilitaw ang pangangailangan upang hadlangan at puksain ito sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan.
Higit pa sa pagkilala at pagpupugay sa kontribusyon ng NDFP sa pagsulong ng rebolusyonaryong layunin, nararapat na magsilbing senyales ang ginintuang anibersaryo nito upang ihanda ang ating mga sarili at bagtasin ang matarik ngunit mapagpalayang landas ng rebolusyon. Ang ating pagpapasya ang magiging langis na siyang magpapatakbo sa makina ng nagkakaisang prente hindi lamang upang matupad at makamit ang inilatag nitong programa kundi sama-samang durugin ang estado at mga salot na naghaharing amo nito, at kalauna’y ukitin ang isang lipunan kung saan may pagkakapantay-pantay na hindi panandalian, may pagpapahalaga sa karapatan, may kapayapaang nakabatay sa katarungan, at may wagas na kalayaan.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyang gubyernong tuta ng mapanupil na sistema, nananatiling matatag ang paninindigan ng NDFP at buong kilusang rebolusyonaryo sa bansa upang pukawin, organisahin, at pakilusin ang milyun-milyong Pilipino upang isulong at ipagtagumpay ang digmang bayan tungo sa inaasam na sosyalismo ng sambayanan.
Mabuhay ang ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Kababaihan, buong tapat at panahon na ialay ang sarili para sa rebolusyon!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
https://philippinerevolution.nu/statements/panghawakan-ang-limang-dekadang-pagsulong-ng-nagkakaisang-prente-tungo-sa-pagtatagumpay-ng-demokratikong-rebolusyong-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.