Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
April 17, 2022
Ilang kandidato sa mga lokal na posisyon sa probinsya ang bumabalewala sa mga paanyaya namin para makausap sila tungkol sa mga usapi at problemang kinakaharap ng masang Sorsoganon.
Labis namin itong ikinadidismaya.
Dahil napakakrusyal ng mga usaping tinutukoy, pilit pa rin naming kukumbinsihing makipagharap sa amin ang sumusunod na mga kandidatong pawang incumbent na mga opisyal ng reaksyunaryong gobyernong lokal:
(1) Mag-asawang Vice Gov. Manuel Fortes Jr. at Barcelona Mayor Cynthia Fortes. Napakaraming beses na namin silang pinaabutang harapin ang mga reklamo ng hindi makatarungang pagtrato sa mga tenante sa kanilang lupa sa San Ramon, Barcelona. Nagbibingi-bingihan din ang mag-asawa sa paghingi ng saklolo ng mga taga-Barcelona na biktima ng red-tagging, harassment at ekstrahudisyal na pagpatay na ginagawa ng militar at pulisya.
(2) Magallanes Mayor Augusto Manuel Ragragio at asawang si Ma. Elena Ragragio. Mailap ang mag-asawa sa mga patawag namin. Umiiwas ba sila sa pananagutan sa pagpapabaya nila sa harap ng mga karahasan at pwersahang “pagpapasuko” na ginagawa ng 22nd IB laban sa mga sibilyang taga-Magallanes?
(3) Bulan Mayor Romeo Gordola. Pinakamalala ang mga atake ng mga armadong pwersa ng estado sa mga taga-Bulan. Tuwiran ang partisipasyon ni Mayor Gordola sa pwersahang pagpapasuko sa mga sibilyang walang kalaban-laban. Bakit ayaw niyang pag-usapan ang mga ito?
(4) Gubat Mayor Sharon Escoto at Vice Mayor Sixto Estareja. Gaano katotoo na iniisponsor ng munisipyo ng Gubat ang ilang traydor sa rebolusyon na pinakikilos ng 31st IBPA para takutin at pwersahing “sumuko” sa ilalim ng ECLIP ang mga sibilyang aktibista sa bayan ng Bulusan at Sta. Magdalena?
Hindi biro ang mga katanungang dapat sagutin ng mga kandidatong ito. Ang kanilang pagharap o pagtalikod sa pananagutan ang magiging sukatan ng malasakit nila sa taumbayan. Sasalalay dito kung magiging mabuti o hindi ang pakikipag-ugnayan namin sa kanila sa hinaharap.
https://cpp.ph/statements/may-mga-katanungang-dapat-sagutin-ang-ilang-lokal-na-kandidato/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.