Propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 29, 2020): Matatagumpay na taktikal na opensiba ng NPA-Mindoro laban sa AFP-PNP, sagot sa Martial Law ng rehimeng Duterte sa panahon ng pandemya!
MADAAY GASICSPOKESPERSON
NPA-MINDORO
LUCIO DE GUZMAN COMMAND
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
MELITO GLOR COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 29, 2020
Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command – New People’s Army-Mindoro ang nakasakay na pwersa ng 403rd Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police MIMAROPA (403rd RMFB-PNP-MIMAROPA) sa kahabaan ng national highway sa sityo Mabajo, Barangay Sta Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro. Sugatan ang dalawang tropa ng RMFB sa ambus. Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang sasakyang iniwanan ng mga nagtakbuhang RMFB. Naganap ang matagumpay na ambus bandang 11:35 hanggang 12:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes, ika-28 ng Setyembre.
Kasabay ng ambus, matagumpay na naisagawa ang operasyong haras ng isang tim ng mga Pulang mandirigma sa kampo ng 403rd RMFB sa Brgy. Cabalwa, ng bayan ng Mansalay.
Nauna pa rito, matagumpay na naisagawa ang dalawang magkasunod na operasyong isnayp laban sa mga mga pwersang RCSPO ng 203rd Infantry Brigade sa Sityo Mantay, Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Setyembre 16 at 22 ng buwang ito. Nagdulot ng minimum na dalawang kaswalti ang operasyon ng NPA laban sa mga pwersa ng 4th IBPA.
Ang mga operasyong ito ng LDGC-NPA-Mindoro ay pagbibigay ng rebolusyonaryong hustisya sa mga mamamayang biktima ng kaapihan, karahasan, panggigipit at paglabag sa karapatang pantao ng pasistang pwersa ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA.
Ang mga yunit sa ilalim ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA ang mga mersenaryong pwersang ginagamit ng pasistang rehimeng US-Duterte sa inilulunsad na mararahas na operasyong militar laban sa rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa isla ng Mindoro.
Kahit sa panahon ng pandemya, hindi naglubay bagkus ay higit pang suminsin at tumindi ang mga operasyong kombat ng AFP-PNP sa mga komunidad ng mga katutubo, magsasaka at mangingisda sa isla ng Mindoro. Ilampung mga komunidad ang sinaklaw sa buong isla. Nagresulta ang mga ito sa maraming kaso ng pambobomba sa mga komunidad at sakahan, pagpatay sa mga sibilyan, pekeng pagpapasuko, pambubugbog, pandarahas, panggigipit, pagpapalayas sa mga lupa’t sakahan, pandarahas sa mga bata at kababaihan at iligal na pang-aaresto at detensyon sa daan-daang katutubo, magsasaka, kababaihan at bata sa isla ng Mindoro.
Sa panahon ng paglaban ng sambayanan sa pandemya, ang mga pwersa ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA ang isa sa pagunahing tagapagpakalat ng nakamamatay na virus na Covid-19 sa isla ng Mindoro. Habang mahigpit na ipinatutupad ang militaristang lockdown laban sa mga MindoreƱo, walang lubay ang AFP-PNP sa pag-ooperasyon sa mga komunidad, paglabag sa kanilang patakaran at pekeng pagpapasuko. Daan-daang mamamayan ang kanilang inaresto at ikinulong sa mga simpleng paglabag sa militaristang lockdown.
Sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro pinahihiga sa kabaong ang sinumang mahuhuling hindi sumusunod sa curfew at pagbabawal sa pagbibiyahe. Talamak na talamak ang pangongotong ng mga pwersang RMFB at pulis sa mga magsasakang magbibiyahe ng kanilang produktong bukid sa bawat dadaanang checkpoint.
Kahit pamamahagi ng relief goods sa panahon ng pandemya ay ginagamit para sa kampanyang pagpapasuko. Sa Oriental Mindoro, pinupwersa ng mga pasistang sundalo ang mga magsasaka’t katutubo na pumunta sa kampo upang makuha ang kakarampot na bigas at pagkain kasabay ng interogasyon at pamimilit na sumuko bilang tagasuporta ng BHB.
Tampok ring kaso ng sapilitang pagpapasuko ang ginawa sa daan-daang Buhid-Mangyan, kasama na ang ilang menor de edad, sa mga bayan ng Bongabong, San Jose, Mansalay, Magsaysay at Rizal. Pinasuko sila ng AFP-PNP-PTF-ELCAC at dineklarang mga kasapi ng NPA. Sapilitan nilang inokupa ang mga komunidad ng mga katutubo sa ilampung sityo. Iligal nilang inaresto at inimbestigahan ang mga Mangyan at pinaratangan silang mga kasapi ng NPA. Ilan sa mga ito ay mga batang kanilang tinakot at sapilitang pinaamin bilang mga myembro ng NPA. Ginagawa nila ito sa tabing ng mga pekeng proyektong pangkabuhayan at pangkomunidad para diumano’y paunlarin ang atrasadong komunidad ng mga katutubo.
Sa RCSPO sa Brgy. Monteclaro, San Jose, tinipon ang 800 Buhid-Mangyan at sapilitang inirehistro sa Philippine Statistics Authority. Tinakot ang mga katutubo na kung hindi sila nakarehistro ay kasingkahulugan ito ng pagiging kasapi ng BHB.
Tampok din ang ginawang pambobomba ng eroplanong pandigmang FA50 sa komunidad at sakahan ng mga katutubo sa Socorro, Oriental Mindoro noong Mayo 31. Dahil dito, ilandaang pamilyang katutubo at magsasaka ang lumikas sa mga apektadong barangay at komunidad.
Naging biktima ng pamamaslang o extra-judicial killing ng 203rd Brigade sina Jay-ar Mercado habang walang awang pinaslang ang sibilyang si Mark Ederson Valencia sa mga bayan ng Bulalacao at Socorro, Oriental Mindoro.
Walang habas ang pandarahas ng mga operasyong militar para hawanin ang daan sa pagpasok ng malakihang dayuhang pagmimina tulad ng Intex upang dambungin ang yamang mineral ng isla. Pagbubukas ng mga minahan ang isa sa solusyon ng rehimeng US-Duterte para diumano’y makabawi ang ekonomya ng bansa sa pagbagsak dulot ng militaristang lockdown. Ito ngayon ang nasa likod ng hibang na pangarap ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA na lipulin ang NPA at takutin ang paglaban ng mga MindoreƱo.
Dagdag pa, ang sunod-sunod na taktikal na opensiba ng LDGC-NPA-Mindoro ay tugon at pagsuporta nito sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa Anti-Terrorism Act (ATA), nakakainsultong pagdeklara bilang National Holiday sa kaarawan ng diktador, tuta at mamamatay-taong si Marcos, at mga EJK at panggigipit laban sa mga katunggali sa pulitika, kritiko, progresibo, rebolusyonaryo at simpleng mga sibilyang napaghinalaang adik ng ipinagbabawal na gamot at pagkitil sa kalayaan sa pamamahayag. Pagsuporta ito ng LDGC-NPA-Mindoro sa pakikibakang bayan para ibagsak ang rehimeng US-Duterte bilang numero unong kaaway ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan.
Iniaalay namin ang matagumpay na opensiba sa mga kasamang nag-alay ng kanilang kaisa-isang buhay habang ipinagtatanggol at pinaglilingkuran ang pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino tulad ni kasamang Justine “Pia” Vargas na pinaslang ng AFP-PNP sa Brgy. Gapasan, Magsaysay, Occidental Mindoro nitong ika-14 ng Setyembre.
Makakaasa ang mamamayan na hindi titigil ang NPA na tupdin ang sagradong tungkulin nitong ipagtanggol at ipaglaban ang pambansa-demokratikong interes at kagalingan ng sambayanang Pilipino. Anuman ang hirap at sakripisyong dadanasin sa paglaban sa tiranikong paghahari ng rehimeng US-Duterte, magpapatuloy ang NPA sa pagtatanggol sa sambayanang Pilipino.
Digmang Bayan, Sagot sa Martial Law ni Duterte!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
https://cpp.ph/statements/matatagumpay-na-taktikal-na-opensiba-ng-npa-mindoro-laban-sa-afp-pnp-sagot-sa-martial-law-ng-rehimeng-duterte-sa-panahon-ng-pandemya/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.