Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Tumanggap ng iba’t-ibang uri ng serbisyo ang mga Katutubong Aeta sa pinag-isang pwersa ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Bataan Bureau of Fire Protection (BFP) at 48th Infantry (Guardians) Battalion Charlie Company sa Barangay Bangkal, Abucay, Bataan ika- 20 ng Agosto, 2020.
Nagsagawa ang mga nabanggit na ahensiya ng gift giving na naglalaman ng tsenilas, limang (5) kilong bigas, noodles,pansit, batya, timba, hanger at tabo bilang kaukulang tulong sa mga katutubo sa gitna ng pandemiya sa COVID-19. Sabay ding ginanap ang libreng gupitan na sinundan ng Tree Planting Activity.
Humigit kumulang 50 pamilyang Aeta ang nabigyan at nahatiran ng serbisyo na pinangunahan nina Force Commander 1st PMFC Police Lieutenant Colonel Ricardo B. Santiago, Police Lieutenant Art Stanley Buslig, Abucay Chief of Police Police Major Leopoldo Estorque Jr, BFP Fire Officer 3 Allan Timbug at 48IB Charlie Company Commander 1LT Oscarito S. Tobias.
Umabot naman sa 40 pirasong Narra Trees ang itinanim sa ginawang Tree Planting Activity sa nasabing barangay.
Ang programa na ginawa ng mga mga sektor na nangangalaga sa kapayapaan ay bahagi ng Peace, Law Enforcement at Development Support (PLEDS) Cluster ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng pamahalaan.
Ayon kay Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander , “Tulong-tulong at sama-sama nating labanan ang pandemiya ng COVID-19. Ang inyong kapulisan, kasundaluhan pati na ang BFP ay nagkakaisa at laging handang umalalay sa kung ano mang tulong na inyong kailangan.”
Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer, 48IB ,”Hindi lamang sa oras ng kaguluhan kaming kasundaluhan, kapulisan kasama ang BFP ay inyong maaasahan. Kami ay katuwang niyo rin sa oras ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng programa patunay na buo ang loob namin na kayo ay paglingkuran.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-katutubong-aeta-tumanggap-ng-serbisyo-mula-sa-pulisarmy-at-bfp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.