RTR, Agusan del Norte -- Laking pasasalamat ng 800 residente mula sa mga barangay ng Tagbongabong, San Antonio at Balang-balang sa bayan ng Remedios T. Romualdez o RTR sa Agusan del Norte sa natanggap na tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng provincial peace and order council o PPOC Immersion na ginanap sa Barangay Tagbongabong.
Malaki ang pasasalamat ni Mayor Richard Daquipil na mismo sa bayan ng RER ginanap ang nasabing PPOC Immerson, ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng ganitong aktibidades at ginawa pa sa kanilang barangay.

Ayon kay Mayor Daquipil, isa itong paraan upang ang mga residente dito ay maramdaman ang serbisyo ng gobyerno at malaman na handa ang gobyernong tugonan ang kanilang mga pangangailan at ito rin ay makakatulong upang huwag suportahan ang mga teroristang NPAs na umaaligid sa lugar.
Hinikayat din ni Mayor Daquipil ang mga residente dito na makipagtulongan sa gobyerno upang tuloyang masugpo ang insurhensiya sa lugar.
Sa ginanap sa PPOC Immersion, iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nagbigay ng mga serbisyo, kagaya ng medikal, dental, social, legal consultations at marami pang iba.

Nagpasalamat ni Krizia Mae Mangadlao, anim na buwang buntis ng Barangay Balang-balang sa natanggap na buntis kit. Ayon pa sa kanya, ang buntis kit ay malaking tulong sa kanyang panganganak.
Kabilang din si Rosalinda Mundia, isang senior citizen ang nakinabang sa libreng gamot at bunot ng ngipin, malaki rin ang kaniyang pasalamat dahil isa siya sa mga nabigyan na nasabing libreng serbisyo.
Ang barangay ng Tagbongabong, Mahaba, San Antonio at Balang-balang sa bayan ng RTR ay kabilang sa mga naiulat na rebel-infested barangays sa RTR. (Mariesh F. CeledeƱa/NCLM/PIA Agusan del Norte)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.