LUNGSOD NG BUTUAN -- Mas pinaiigting pa ng pamahalaan ang pagsagawa ng ibat-ibang aktibidad na tumutugon sa problema ng insurhensiya sa rehiyon ng Caraga.
Kabilang na dito ang pagsasaayos at pagpapatayo ng mga proyekto pangkaunlaran para mas maramdaman ng mga Caraganon ang malasakit ng gobyerno at hindi na malinlang at makumbinse ng New People’s Army na sumali sa kanilang grupo at lumaban sa pamahalaan.
Sa isinagawang 2nd Regional Task Force to End Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Meeting sa Surigao City kasama si Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security at Chairperson ng RTF-ELCAC sa Caraga, hinimay-himay ng bawat cluster ang action plans na tumutugon sa implementasyon ng Executive Order No. (EO) 70 o ang 'whole-of-nation' approach sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Napag-usapan din ang mga ginagawang hakbang ng Task Force Siargao, Task Force Socorro, at updates sa Surigao City Airport Upgrading Project, Sayak Airport Development, Tandag City Airport Development, Surigao del Norte Nautical Highway, at Leyte-Surigao Bridge.
Sa kanyang report, ibinahagi ni Atty. Felix Alicer, direktor ng Department of Environment and Natural Resources, na nagsagawa ng inspeksyon ang Task Force Siargao sa mahigit 1,000 establisyemento sa ilang barangay sa General Luna, Surigao Del Norte at 671 nito ay tourism-related establishments.

Pinuri ni Cabinet Secretary Nograles ang mga lokal na opisyal lalo na ang naging host sa nasabing meeting, ang local government unit ng Surigao del Norte at Surigao City sa kanilang ipinakitang interes at suporta sa mga inisyatibo ng RTF-ELCAC at sa pakikiisa sa hangarin nito na sugpuin ang insurgency sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Surigao del Norte Gob. Francisco Matugas na bagamat malaking hamon ang pagresolba sa patuloy na problema sa insurgency, kung may pagtutulungan at pagkakaisa ay walang imposible.
Ito rin ang paniniwala ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas, Jr. na hindi magtatagal at mararanasan din ng mga Caraganon ang payapa at matiwasay na pamumuhay sa rehiyon. Mas palalawakin pa nila pagsagawa ng medical at dental mission; basic social services; at iba pang programa na bahagi rin sa kanilang tinututukan ngayon. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1026545
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.