Saturday, March 11, 2017

CPP/NPA-Palawan: Hinggil sa Pamamarusa sa San Andres

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 9): Hinggil sa Pamamarusa sa San Andres

Salvador Luminoso
Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)

9 March 2017

Inilunsad ng mga kagawad ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Bienvenido Vallever Command ang pamamarusa sa kompanyang San Andres na nagsasagawa ng malawakang pagpapatanim ng Palm Oil sa lalawigan ng Palawan. Ganap na ika-1:00 humigit kumulang ng madaling araw ng sunugin ng BHB ang tatlong heavy equipment ng naturang kompanya na kinabibilangan ng isang backhoe, isang bulldozer at isang dumptruck.

Ang pamamarusa ay isinagawa bilang tugon sa mahigpit na kahilingan ng mga naging biktima ng kompanyang ito. Ang San Andres na katuwang ng Agumil ay nagtatago bilang isang huwad na kooperatibang Calasagen Cooperative upang magmukhang kaakit-akit sa mga magsasaka at katutubo na sumali sa kooperatiba na sa kalaunan ay matutuklasan nilang isa palang manlilinlang na kompanyang pag-aari ng malaking dayuhang kapitalista .

Ang mga kasong nakahabla sa hukumang bayan laban sa San Andres ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. di maayos na kundisyon sa trabaho ng mga manggagawang bukid
2. panloloko sa sahod, laging may isang buwang hindi binabayaran bukod pa sa mababang pasahod
3. Panlilinlang gamit ang kooperatiba at pangangamkam ng lupain ng mga magsasaka ang maging ang mga lupang ninuno ng mga katutubong PalawÕan
4. Hindi pagbabayad sa binibiling lupa na nakuha dahil sa matamis na pangako
5. Paninira ng Kalikasan(paghuhukay, pagbubuldos)

Ang mga nabanggit na dahilan ay sapat na basehan upang iatas ng hukumang bayan sa Bienvenido Vallever Command ang disisyong pamamarusa na kagyat namang ipinatupad ng BVC matapos na matanggap ang atas.

Ipinapaabot ng BVC sa malawak na masa ng sambayanang Palawe–o ang mahigpit na pasasalamat sa ibinigay nilang pagtitiwala sa kanilang tunay na Hukbo, ang hukbo ng sambayanan na walang iba kundi ang Bagong Hukbong Bayan o New PeolpleÕs Army na nasa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas(PKP). Umasa kayo na hindi namin bibiguin ang inyong mga kahilingan, kahilingang ipagtanggol ang inyong mga karapatan laloÕt sa usapin ng pag-aari sa lupang inyong pinagyayaman at pinagkukunan ng kabuhayan.

Mabuhay ang mamamayang Palawe–o!

 Mabuhay ang CPP/NPA/NDF!

 Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

 Mabuhay ang Rebolusyon!

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170309-hinggil-sa-pamamarusa-sa-san-andres

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.