From the Philippine Information Agency (Dec 2): Tagalog news: Kapayapaan sa San Jose, isinulong sa Peace Rally
JOSE, Occidental Mindoro -- Idinaos kahapon sa Pilot Elementary School, bayan ng San Jose, ang isang peace rally na may temang 'Nagkakaisang Mamamayan para sa Kapayapaan'.
Ayon kay LTC Rodolfo Gesim, Commander 4IB ng Philippine Army, ang naturang aktibidad ay naglalayong buksan ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa tunay na kalagayang pangkapayapaan at insurgency situation ng lalawigan. "Ang usaping pangkapayapaan ay hindi lamang trabaho ng AFP (Armed Forces of the Philippines) o PNP (Philippine National Police), ito po ay trabaho nating lahat. Dapat tayong magtulungan upang buwagin ang CPP- NDF (Communist Party of the Philippines - National Democratic Front)", paliwanag ni Gesim.
Naging laman ng pananalita ni Gesim ang ilang pananakot ng grupong New People's Army (NPA) gaya ng panununog ng mga construction at agriculture equipment.
Kamakailan lamang, pagpaslang si Lt. Mike Nollora, Charlie company Commandeer ng 4IB. Si Nollora at ang kanyang mga kasamahan ay nagsasagawa ng Bayanihan o ang pagdadala ng ilang programa ng pamahalaan sa Barangay Batasan, San Jose ng sila ay tambangan ng mga NPA.
Inilahad ni Governor Gene Mendiola na ang pamahalaang panlalawigan ay patuloy na isinusulong ang kapayapaan at kaayusan. Naniniwala ang punong lalawigan na mahalaga ang dalawang sangkap upang magkaroon ng tuloy-tuloy na kaunlaran sa Kanlurang Mindoro.
Binigyang diin naman ni Congressman Josephine Sato na matagal ng katuwang ng AFP ang mga mamamayan ng lalawigan laban sa insurgency. Dagdag pa ng kongresista na upang magkaroon ng tunay na kapayapaan dapat magsimula ito sa bawat mamamayan.
"For peace to be truly felt by the people, it should start in our hearts and our soul (upang ang kapayapaan ay maramdaman ng mga mamamayan, dapat itong magumpisa sa puso at kaluluwa)", paliwanag ni Sato.
Naging bahagi din ng peace rally ang pagkondena sa mga problemang nakakaapekto sa kapayapaan ng bayan ng San Jose, gaya ng illegal drugs at ang iba't ibang uri ng krimen.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2351448866163/tagalog-news-kapayapaan-sa-san-jose-isinulong-sa-peace-rally
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.