NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Mar 1): Peace Development Team ng 50th IBPA natambangan ng New Peoples Army!
February 28, 2015 alas 8 ng umaga inilunsad n gLejo Cawilan Command ang isang ambush sa mga myembro ng 50th Infantry Batallion-Philippine Army sa baryo ng Baay, Pinukpuk, Kalinga. 2 ang patay at 4 naman ang sugatan sa nasabing ambush.
Mahigit isang buwan na nakapakat ang yunit ng 50IB sa Balbalan at Pinukpuk, Kalinga upang habulin ang natitirang panahon ng Oplan Bayanihan sa pamamagitan ng paglulunsad ng Peace Development Team sa dalawang munisipyo ng Kalinga. Mula Enero 23, 2015 hanggang kasalukuyan ay tuluy-tuloy nanakapakat ang pwersang 50 IBPA sa mga baryo ng Gawaan, Balantoy at Poblacion sa Balbalan habang nakapakat naman sa Baay, Limos, Allaguia at Tappo sa munisipyo naman ng Pinukpuk.
Umiigting ang pagkadisgusto ng mamamayan sa mga baryong pinakatan ng PDT ng 50 IB dahil sa paglabag ng mga pwersang militar sa karapatang-tao katulad ng pagkakampo mismo sa loob ng mga barangay hall at mga eskwelahan ng Balantoy Agro-Industrial High School ngBalbalan at Limos National High School sa Pinukpuk. Nagrereklamo naman ang mamamayan sa Barangay Gawaan dahil sa pagbabanta ng pwersa ng 50IB na sisingilin ng bodong o peace pact ng tribu ang mga mamamayan sa Gawaan kung may mangyaring masama sa mga sundalong nakakampo sa loob mismo ng kabahayan. Samantalang kinukondena naman ng mga kababaihan ng Barangay Balantoy ang pagkakampo ng mga militar sa mismong barangay hall. Asiwa ang mga kababaihan na magtrabaho sa kanilang barangay hall dahil doon nakaistambay, natutulog at nagluluto ang mga pwersa ng 50IB.
Nararapat at napapanahon ang pagparusasa Peace Development Team ng 50IB sa batayang mahaba na ang listahan nito sa paglabag sa karapatang pantao sa buong Ilocos-Cordillera. Marami nang naitalang kaso ng panggagahasa, pagpatay, at pananakota ng 50IBPA. Dahil sa galit ng mamamayan, napaalis sila mula sa Mountain Province, Ilocos, Abra, Benguet at Ifugao at ngayon bago pa man sila makapakat ng tuluyan sa Kalinga aasahang hindi titigil ang mamamayan para palayasin ang pwersang 50IB sa probinsya ng Kalinga.
Nananawagan ang Lejo Cawilan Command sa mga tribu at mamamayan ng Kalinga na labanan ang pasismo at palayasin ang 50IB-Philippine Army na nagsisilbing security forces ng mga kapitalista at naghaharing uri upang agawin ang lupang ninuno ng mga katutubo sa Kordilyera.
Labanan ang rekrutment at pagtatayo ng mga detachment ng AFP-PNP-CAFGU-CPLA sa mga baryo ng Kalinga.
Isulong ang Digmang Bayan!
PATALSIKIN ANG PASISTANG REHIMENG-US AQUINO!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150301_peace-development-team-ng-50th-ibpa-natambangan-ng-new-peoples-army
The military wing of the Communist of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), lays claim to the ambush of members of the 50th Infantry Battalion of the Philippine Army in the village of Baay, Pinukpuk, Kalinga.
ReplyDelete