Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
May 21, 2023
Mariing kinukondena ng mamamayan ng Camarines Norte at ng Armando Catapia Command (ACC) BHB-Camarines Norte ang karumal-dumal na pagpatay ng mga ahente ng AFP sa isa na namang sibilyan na si Romeo Agua, 42 taong gulang na residente ng Barangay San Jose, Panganiban, Camarines Norte. Siya ang ika-16 na biktima ng pamamaslang sa Bikol mula nang maupo sa pwesto si Bongbong Marcos.
Ayon sa kapamilya ng biktima, paahon sa bahay sa bundok si Romeo noong hapon ng Mayo 15 para pakainin ang kanilang alagang baboy nang harangin at hulihin ng mga elemento ng 9th IBPA. Iginapos ang biktima at pinahirapan bago pinagbabaril nang pitong beses sa katawan at isang beses naman sa bibig. Ayon pa sa mga kapamilya at mga nakasaksing residente, isinubo ang baril sa biktima saka pinaputok. Nakita pa ng mga residente ang pag-alis ng mga nakamotor na salarin.
Ang ganito kabrutal na mga krimen ay tanda ng kadesperaduhan ng mga elemento ng AFP-PNP at iba pang mga ahente ng reaksyonaryong gubyerno ni Marcos na takutin ang masang lumalaban at pahinain ang kanilang pakikibaka partikular sa probinsya ng Camarines Norte. Nito lamang Pebrero 13, isa ring sibilyang katutubo na si Argie Salvador ang pinagbabaril ng mga elemento ng 9th IBPA habang naghahanap ng pulot. Matapos ang pagpatay, pinamalita ng militar ang isang pekeng engkwentro at pinalabas na kasapi ng BHB ang pinaslang na katutubo.
Ang pagpatay kina Romeo Agua at Salvador ay ilan lamang sa hindi mabilang na kaso ng mga pagpatay ng mersenaryo at berdugong AFP at PNP sa karaniwang mamamayan. Ang pagtarget sa mga sibilyan ay malinaw na tanda ng kaduwagan ng kanilang hanay. Manipestasyon din ito ng kanilang kabiguang pigilan ang paglaban at paglakas ng armadong pakikibaka sa probinsya at maging ang malakas na suporta at paglahok ng mamamayan sa rebolusyon.
Sa katunayan, sila mismo ang patuloy na lumilikha ng kondisyon para mas lalo pang paalabin ang nag-aalimpuyong galit at paglaban ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa probinsya. Paanong hindi lalaban ang karaniwang mamamayan kung ang mismong nagsasabing ‘tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng katarungan at demokrasya’ ang siyang duguan ang mga kamay at walang habas na kumikitil sa buhay ng masa.
Ang mga paglabag ng militar at pulis ng reaksyunaryong estado sa karapatang tao katulad ng pagpatay sa walang laban na mga sibilyan ay tahasang paglabag sa Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at iba pang internasyunal na batas at kasunduan kaugnay ng digma.
Tinitiyak ng ACC-BHB-CN na pagbabayaran ng AFP-PNP ang lahat ng kanilang inutang na dugo mula sa mamamayang api at pinagsasamantalahang pinagsisilbihan ng Pulang hukbo. Ang ganitong kalagayan ang nagpapatibay sa panata ng Pulang hukbo na tiyakin ang tagumpay ng digmang bayan para sa kalayaan, demokrasya at katarungan!
https://philippinerevolution.nu/statements/kundenahin-ang-pagpatay-ng-9th-ib-kay-romeo-agua/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.