May 22, 2023
Ginapos, tinortyur, tinutukan ng baril sa bibig bago pinatay ng 9th IB si Romeo Agua, 42 taong gulang na residente ng Barangay San Jose, Panganiban, Camarines Norte noong Mayo 15. Si Agua ang ika-16 na biktima ng pamamaslang sa rehiyong Bicol mula nang maupo sa pwesto si Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa kapamilya ng biktima, paahon sa bahay sa bundok si Agua noong hapon ng Mayo 15 para pakainin ang kanilang alagang baboy nang harangin at idetine ng tropa ng 9th IB. Ginapos ang biktima at pinahirapan bago barilin nang pitong beses sa katawan at isang beses sa bibig. Ayon pa sa mga kapamilya at mga nakasaksing residente, isinubo ang baril sa biktima saka pinaputok. Nakita pa ng mga residente ang pagtalilis ng mga nakamotor na salarin.
Kinundena ni Carlito Cada, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Camarines Norte, ang brutal na krimen. Ayon sa kanya, “ang ganito kabrutal na mga krimen ay tanda ng [pagiging desperado] ng mga elemento ng AFP-PNP at iba pang mga ahente ng reaksyonaryong gubyerno ni Marcos na takutin ang masang lumalaban at pahinain ang kanilang pakikibaka partikular sa probinsya ng Camarines Norte.”
Ang pagpatay sa isang sibilyan, na pinabigat ng brutal na pamamaraan at pagtortyur, ay isang paglabag sa karapatang-tao at maging sa internasyunal na makataong batas.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/sibilyan-brutal-na-pinatay-ng-9th-ib-sa-camarines-norte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.