Friday, April 21, 2023

Kalinaw News: Dalawang dating kasapi ng teroristang komunistang grupo sumuko sa pinagsanib pwersa ng kapulisan ng Cagayan and ng kasundaluhan ng 77IB

Posted to Kalinaw News (Apr 20, 2023): Dalawang dating kasapi ng teroristang komunistang grupo sumuko sa pinagsanib pwersa ng kapulisan ng Cagayan and ng kasundaluhan ng 77IB (Two former members of the communist terrorist group surrendered to the combined forces of the Cagayan police and the army's 77IB)



So Burubur, Brgy Magapit, Lal-lo, Cagayan, – Dalawang dating kasapi ng terosritang komunistang grupo ang sumuko sa pinagsanib pwersa ng kapulisan ng Cagayan at ng Kasundaluhan ng 77th Infantry (Don’t Dare) Battalion. Nakilala ang dalawang sumuko na sila Ka Harry at Ka Lisa noong ika-19 ng Abril taong kaslukuyan.

Sa pahayag nina Ka Harry at Ka Lisa, kahirapan sa loob ng kilusan ang nag-udyok sa kanila na sumuko. Kasabay nito isinuko rin nila ang iba’t ibang uri ng mga gamit pandigma kabilang dito ang isang M203 Grenade launcher, dalawang homemade gun, limang M203 cartridge, assorted na bala ng baril, medical paraphernalia, mga gamit pang-komunikasyon at mga ilang mahahalagang dokumento sa loob ng kilusan.

Ayon pa sa kanila, lumalala na ang kahirapan at gutom sa loob kilusan dahil sa mas pinaigting na kampanya ng kasundaluhan sa kanayunan at pinaigting na military operation at Community Support Operations sa mga lugar na kinikilusan ng mga teroristang grupo. Maliban dito nagkakaroon narin ng hindi pag kakaunawaan sa pagitan nila dahil sa pagkabalisa at pagkakawala ng ilang matataas na pinuno nito bunsod ng kanilang pag-suko at mga namatay sa nakaraang enkwentro sa pagitan nila at kasundaluhan.

Kung mataandaan, sunod sunod ang sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan ng 501st Infatry Brigade at ng komunistang teroristang grupo na nagresulta pagkakamatay sa ng ilang matataas na pinuno sa kanilang hanay, pagkakasagip sa inabandonang kasamahan nilang sugatin na si ka Brown na kinilalang si Orion Yoshida at pagkakarekober ng mga matataas na kalibre na baril at mga gamit.

Bago pa ang pagsuko nila ay una ng rumesponde ang kapulisan sa isang impormasyon mula sa isang impormante at concerned citizen na nagsabing mayroon mga pinaghihinalaang kasapi ng teroristang grupo na pumunta sa pagamutan . Dito natagpuan at nakilala nila sina Agnes Mesina at Walter Villegas. Kalaunan pag katapos suriin ang mga salaysay nila at sa kadahilanan mayroon silang kasama na wounded at hindi sila galing sa EDCA site bagkus sa bundok, ay nakumpirma ng mga kapulisan na sina Agnes Mesina at Walter Villegas ay lihitimong miyembro ng komusitaang teroristang grupo. Ito din ay naayon sa rebelasyon ng mga dati nilang nakasama sa loob ng kilusan na sumuko noong nakaraan na sina Ka Eren at Ka Armin.

Samantala, positibo si Colonel Ferdinand Melchor C Dela Cruz MNSA PA, Commander ng 501st Infantry (Valiant) Brigade na malapit ng matapos ang laban kontra insurhensiya. Patuloy parin ang isinasagawang focused military operations ng kasundaluhan sa nasasakupan ng 501st Infantry Brigade. Ayon naman kay Police Colonel Julio S Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office na handa sila sa lahat ng pagkakataon at nakikiisa sa isinisulong na kapayapaan sa lambak ng Cagayan.

Sa Kasalukuyan sila Ka Harry at Ka Lisa ay nasa pangagalaga ng 501st Infantry Brigade para sa agarang tulong, debriefing at pangangalaga ng kanilang kalusugan, habang pinoproseso pa ang kanilang dokumento para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) firearms renumeration.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/dalawang-dating-kasapi-ng-teroristang-komunistang-grupo-ang-sumuko-sa-pinagsanib-pwersa-ng-kapulisan-ng-cagayan-at-ng-kasundaluhan-ng-77ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.