Divina Malaya
Spokesperson
Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna
NDF-Laguna
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
April 21, 2023
Nag-aalab na galit at pagkondena ang ipinapahayag ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa probinsya ng Laguna kaugnay ng brutal na pagpaslang ng pwersang militar sa mga lider-rebolusyonaryo at mag-asawang sina Benito Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon, at walo pang kasama noong Agosto 2022.
Salungat sa naunang pahayag ng militar na napatay ang mga Tiamzon sa isang armadong labanan, isiniwalat ng imbestigasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas na ang mga lider at walo pa ay tinortyur at pinaslang bago palabasin na kasama sa gawa-gawang engkwentro.
Si Ka Benito ang tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral ng Partido samantalang si Ka Wilma naman ang pangkalahatang kalihim. Bilang mga lider, malaki ang kanilang ginampanang papel sa muling pagtingkad ng rebolusyonaryong kilusan at pagsulong ng Partido sa wastong landas. Bukod dito, sila rin ay kapwa bahagi ng negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines na aktibong lumalahok sa mga usaping pangkapayapaan kasama ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Matatandaan na ang dalawa ay iligal na inaresto noong 2014 at nakalabas noong 2016 upang maging bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at rehimeng US-Duterte. Nang wakasan ni Duterte ang usapan, iniutos nito na arestuhin at paslangin ang mga rebolusyonaryo at kasapi ng Partido, BHB, at NDFP kabilang na ang mga Tiamzon. Dahil dito, muli silang bumalik sa kanayunan.
Wala nang iba pang angkop na parusa sa mga berdugong galamay ng estado at ang imperyalistang US na pinagsisilbihan nito kundi ang parusang ipapataw ng rebolusyon. Ang pagpaslang sa mga Tiamzon ay tanda hindi lamang ng pagyurak ng reaksyunaryong gubyerno sa batas ng digmaan kundi maging ang kawalan ng pagpapahalaga nito sa buhay at karapatan ng sambayanang Pilipino. Para sa reaksyunaryo, terorismo ang pagnanais ng isang lipunang malaya mula sa pang-aapi at terorista ang mamamayang nakikibaka para makamit ito.
Hangal ang estado kung nag-aakala itong magagapi ang rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan sa pagkabuwal ng mga prominenteng lider. Nakasandig ang rebolusyon sa siyentipiko at konkretong batayan. Dahil sa masigasig na pamumuno sa Partido nina Ka Laan, Ka Bagong-tao, at iba pang lider, nagluwal at patuloy na nagluluwal ang rebolusyonaryong kilusan ng mga bagong kadre na handang ialay ang kanilang buong panahon, lakas, at buhay upang magsilbi sa sambayanan. At sa mas pagtindi ng krisis panlipunan na nararanasan ng sambayanan, tiyak din ang pag-usbong at pagdaluyong ng mga bagong rebolusyonaryo na tatangan sa dakilang pakikibaka.
Kasabay ng pagdadalamhati, tinatanggap ng hanay ng rebolusyonaryong kababaihan ang pagpanaw nina Ka Laan at Ka Bagong-tao bilang matinding hamon upang lubos na magpakahusay sa paglaban. Libu-libong kababaihan pa ang mangangahas na bagtasin ang landas ng armadong pakikibaka at ipinta sa kasaysayan ang tagumpay na ating minimithi.
Kababaihan, paghalawan ang kadakilaan nina kasamang Benito Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at kamtin ang rebolusyonaryong tagumpay tungo sa sosyalismo!
https://philippinerevolution.nu/statements/katarungan-para-kina-ka-benito-tiamzon-at-ka-wilma-tiamzon-walang-hanggang-pagpupugay-at-pagdakila-sa-mga-martir-ng-rebolusyon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.