Sunday, April 23, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Ripleng armalayt, nakumpiska ng BHB-Masbate sa aset ng 2nd IB

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 17, 2022): Ripleng armalayt, nakumpiska ng BHB-Masbate sa aset ng 2nd IB (Armalite rifle, NPA-Masbate confiscated from the assets of the 2nd IB)






April 17, 2023

Nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang isang ripleng armalayt mula sa mga aset ng militar sa Sityo Pondol sa hangganan ng mga barangay ng San Carlos at Matagbac sa Milagros noong Abril 14. Ang mga aset ay imbwelto sa agresibong pang-aatake sa mga mamamayan ng ikalawang distrito ng prubinsya.

Ayon sa ulat ng BHB-Masbate, naunang nakatakdang ipataw ang kaparusahang kamatayan sa mga aset ng militar noong hapon ng Abril 14, ngunit dahil sa presensya ng mga sibilyan na kasabay nila sa motorsiklo, pinara na lamang sila at kinumpiskhan ng armas.

“Maagap na nabatid ng Hukbo na kasabay ng mga asset na nakasakay sa motorsiklo ang dalawang menor-de-edad at ilang mga sibilyan. Dahil pangunahin para sa NPA ang kapakanan ng mga sibilyan, ikinansela ng Hukbo ang kagyat na pagpataw ng parusang kamatayan at sa halip ay pinahinto na lamang ang mga target upang kumpiskahan ng armas…” pahayag ni Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB sa prubinsya.

Ang dalawa sa mga aset ay kinilala bilang sina Glenn Masamoc, isang elemento ng CAFGU, at si Ganga Dalanon. Kapwa sila responsable sa pagpatay sa sibilyang si Rodante Arizala noong 2022. Kasama din ng dalawa ang mag-asawang sina Rina Verdida at Larry Quilantang na nagsisilbi ring ahente ng militar.

Ayon sa ulat ng mga Pulang mandirigma, habang kinukumpiska ang armas nila ay nanlaban si Dalanon at Masamoc at ginamit pang pananggalang ang mga kasama nilang sibilyan. Dulot nito, mabilis na kumilos ang mga mandirigma para tulungan ang mga sibilyan, laluna ang isang bata upang makatungo sila sa ligtas na kalagayan.

“Sang-ayon sa mga tuntunin ng rebolusyonaryong kilusan hinggil sa pagsisiyasat, pag-usig at pag-aresto sa mga ahente ng kaaway, kinailangang gumamit ang Hukbo ng pinahihintulutang dahas para sa kaligtasan ng lahat, laluna ng mga sibilyang ginawang cover ng mga naturang asset,” paliwnag ni Ka Luz.

Dulot ng insidente, napatay si Dalanon habang nasugatan si Quilantang at Masamoc. Ayon pa sa yunit, “nasa mabuting kalagayan ang isang bata habang ang isang binata ay nagalusan matapos kasuklam-suklam na tangkaing ipahamak nina Dalanon at Masamoc.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ripleng-armalayt-nakumpiska-ng-bhb-masbate-sa-aset-ng-2nd-ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.