Friday, August 5, 2022

Dalawang dating miyembro ng NPA sumuko sa mga awtoridad

From Palawan News (Aug 5, 2022): Dalawang dating miyembro ng NPA sumuko sa mga awtoridad (Two former NPA members surrendered to authorities) (By Arphil Ballarta)



Gutom, pagod, at puyat na nagpahirap sa kanilang buhay sa bundok, dagdag pa ang kalungkutan sa kanilang mga mahal sa buhay, ang naging dahilan ng dalawang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) para sumuko sa mga awtoridad kahapon, August 4.

Ang dalawa ay pawang mga miyembro ng Bienvenido Valleber Command (BVC) bilang vice squad leader, buntot, at platoon member.

Ayon sa tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si P/Cpt. Maria Victoria Iquin, ang pagtugon sa panawagan na sumuko ng dalawang dating NPA ay resulta ng patuloy nilang programa na hikayatin ang mga miyembro ng NPA na sumuko at walang humpay na pagtutulungan ng ibang intelligence communities ng PNP at AFP sa pakikipag koordinasyon sa Kapatiran ng Dating Rebelde (KADRE).

“2009 to 2011 nang nag lie low sila sa samahan dahil sa hirap ng buhay sa bundok, gutom, at pagkalungkot sa mahal sa buhay, at nakita din nila na walang patutunguhan ang kanilang pinaglalaban idelohiya,” Pahayag ni Iquin.

Kasamang isinuko ni ‘Ka JV’ mula sa Sitio Little Caramay, Brgy. Magara sa bayan ng Roxas, at ‘Ka Jetli’, residente ng Sitio Sabang, Barangay Cabayugan, Puerto Princesa City, ang Cal .30 Carbine rifle at siyam na bala.

Sa kabuuan, mula buwan ng Enero ay mayroon ng aabot sa 42 sumukong NPA sa lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC) at PPCPO Intelligence Unit.

https://palawan-news.com/dalawang-dating-miyembro-ng-npa-sumuko-sa-mga-awtoridad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.