From Kalinaw News (Jun 23, 2022): Isang miyembro ng CTG, patay matapos and sagupaan laban sa Kasundaluhan sa Surigao del Sur (A CTG member, dead after clashes against the Army in Surigao del Sur)
CARMEN, Surigao del Sur – Isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga kawani ng 36th Infantry (Valor) Battalion at terorristang grupo sa kabundukan ng Lahi, Bagsac, Madrid nitong ika-22 ng Hunyo 2022.
Sa naturang engkwentro ay nakasagupa ng 36IB ang tinatayang labindalawang (12) kalaban na pinamumunuan ni Noel Tumarlas Alacre. Ito ay sa tulong ng mga sibilyan, natunton ng ating mga kasundaluhan ang kinalolooban na pansamantalang taguan ng naturang aramadong grupo.
Matapos ang bakbakan, agad na tumakbo papalayo ang mga armadong NPA at pinabayaan ang kanilang namatay na kasamahan. Naiwan nila ang isang (1) M16 na riple, dalawang (2) M16 magasin na mayroong apatnapu’t limang (45), 5.56mm na bala, mga personal na kagamitan, mga subersibong dokumento, tatlong (3) backpacks, mga kagamitang pang-medisina, at ilang kagamitan at sangkap na pang-luto.
Ayon sa pahayag ni Lt. Col. Michael Rey S. Reuyan, pinuno ng 36IB, nagpapasalamat siya sa tiwala ng mga sibilyan na tumukoy sa lokasyon ng armadong grupo, “Taos puso kaming nagpapasalamat na kasundaluhan ng 4ID sa pagbibigay impormasyon sa presensya ng armadong grupo. Dahil sa inyong tulong at kooperasyon ating naitawid ang ating kampaya laban sa insurhensiya.”
“Kami ay nanawagan sa iilang natitira pang miyembro ng NPA, na huwag matakot, ibaba na po ang inyong armas at bumalik sa ating gobyerno. May programa tayong maaring makatulong sa inyong hinaing gaya ng Enhanced Comprehenisive Local Integration Program (E-CLIP). Huwag na tayong magpabulag at magpalinlang sa kasinungalingan ng CPP-NPA-NDF.” Idinagdag ni Lt Col. Reuyan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/isang-miyembro-ng-ctg-patay-matapos-and-sagupaan-laban-sa-kasundaluhan-sa-surigao-del-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.