Wednesday, September 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Mga mar­tir ng Sa­mar at Neg­ros, pi­na­ra­nga­lan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 7, 2021): Mga mar­tir ng Sa­mar at Neg­ros, pi­na­ra­nga­lan



Pinarangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan ang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nasawi sa Eastern Samar at Negros Occidental noong Agosto habang nagpapatupad ng kanilang mga rebolusyonaryong gawain.

Tinawag ng Partido na “pinakamahuhusay na anak ng bayan” ang 19 na nasawi noong Agosto 16 sa walang habas na pambobomba ng militar sa Barangay Osmeña, Dolores, Eastern Samar. Bahagi ang mga martir ng Dolores sa 50-kataong yunit ng BHB na naglulunsad ng gawaing pampulitika, pang-ekonomya at edukasyon sa masang magsasaka sa naturang erya. Bahagi nito ang isang tim ng mga medik na nakatakdang magbigay ng treyning at menor na operasyon sa isang pasyente.

“Malaking kawalan ang pagkasawi ng mga martir ng Dolores,” ayon sa Partido. “Subalit tiyak na laksa-laksa ang dadaluyong upang humalili sa kanila bilang bagong mga Pulang mandirigma ng magiting na hukbong bayan.”

Pinarangalan din ng Partido si Kerima Lorena Tariman (Ka Ella) na dinakip at pinatay ng militar noong Agosto 20 sa Barangay Kapitan Ramos, Silay City sa Negros Occidental. Kasama niyang napatay si Joery Dato-on Cocuba (Ka Pabling), isa ring Pulang mandirigma. Sa imbestigasyon ng BHB-Negros, bahagya lamang ang sugat ni Ka Ella nang siya ay mahuli sa labanan pero tuluyan pa rin siyang pinatay ng mga sundalo.

Bumuhos ang parangal kay Ka Ella, mandirigma at kadre ng Partido, na kilala sa kanyang mga tula at likhang panitikan na nagsasalarawan sa pagdurusa, adhikain at pakikibaka ng masang api. Taos-puso ang pagkilala ng BHB-Negros sa mga ambag ni Ka Ella sa armadong rebolusyon sa isla. Nagbigay-pugay din ang Makibaka, Kabataang Makabayan at mga yunit ng BHB at Women’s Protection Units (YPJ) sa Kurdistan.

Inalala ng mga organisasyong kinabilangan niya ang kanyang pamumuno bago siya sumapi sa BHB. Bantog siyang makata, manunulat at aktibista para sa mga magsasaka. Isang dekada siyang naging bahagi ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura. Una siyang naorganisa noong estudyante pa siya sa University of the Philippines.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/09/07/mga-martir-ng-samar-at-negros-pinarangalan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.