Wednesday, September 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Abugado, aktibista, pinaslang

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 7, 2021): Abugado, aktibista, pinaslang



Inambus ng pinaghihinalaang mga ahente ng estado si Atty. Rex Fernandez habang nasa kanyang sasakyan sa Banawa, Cebu City noong Agosto 26. Si Fernandez ay abugado ng mga manininda ng palengke ng Carbon sa kanilang laban kontra pribatisasyon. Siya rin ang abugado ng mga aktibistang hinuli sa isang protesta sa Cebu kontra Anti-Terror Law noong Hunyo 2020. Si Fernandez ang ika-57 abugadong pinaslang sa panahon ni Duterte.

Patay na nang ilitaw ang isa pang aktibistang taga-Cebu. Inilitaw ng pinaniniwalaang ahente ng estado ang bangkay ni Elena Tijamo, isang manggagawang pangkaunlaran at kasapi ng Farmers Development Center. Pinalabas na namatay siya sa isang ospital sa Metro Manila dahil sa operasyon sa goiter. Dinukot siya noong Hunyo 13, 2020 sa kanyang bahay sa Barangay Kampingganon, Bantayan Island.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/09/07/abugado-aktibista-pinaslang/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.