Saturday, June 5, 2021

Tagalog News: 21 miyembro ng NPA sumuko sa militar

From the Philippine Information Agency (Jun 3, 2021): Tagalog News: 21 miyembro ng NPA sumuko sa militar (By PIA Cotabato City)

Featured Image

LUNGSOD NG COTABATO, Hunyo 3 (PIA)— Dalawampu't isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa probinsya ng Sultan Kudarat ang nagbalik-loob sa pamahalaan nitong Martes.

Ito ay matapos silang sumuko sa 603rd Infantry Brigade sa bayan ng Lebak sa nasabing probinsya.

Itinurn-over din ng mga sumukong rebelde, sa pangunguna ni Ariel Odas Apang alyas “Ka Tats” ng Dragon Fruit Platoon East Daguma Front, ang 21 assorted firearms kasama ang ilang explosives at iba pang war material.

Sinabi ni 603rd IB Commander Colonel Eduardo Gubat na ang pagsuko ng mga rebeldeng NPA ay resulta ng pagsisikap ng tropa at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Lebak at ng komunidad.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) at Joint Task Force Central (JTFC) Commander Maj. Gen. Juvymax Uy ang 603rd IB sa matagumpay na pagsuko ng mga NPA member.

Hinikayat naman ni Uy ang iba pang mga miyembro ng NPA na nasa bundok pa rin na lisanin na ang armadong pakikibaka.

Samantala, ang mga sumukong NPA ay pansamantalang naninirahan sa halfway houses ng probinsya ng Sultan Kudarat habang pinoproseso ang tulong para sa kanila sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from DPAO, 6ID)

https://pia.gov.ph/news/articles/1077073

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.