Posted to Kalinaw News (May 15, 2021): Mga Rebelde, Pumatay ng mga Inosenteng Sibilyan sa Negros Oriental
Guihulngan City, Negros Oriental – Apat ang pinatay ng teroristang New People’s Army (NPA) sa nangyaring insidente pasado alas-singko ngayong umaga sa Sitio Agit, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Ronelo Quirante, 56 taong gulang, Roger Fat, 46 taong gulang, at ang mag asawang Rodrigo Lubay, 46 taong gulang at Sherryl Lubay, 44 taong gulang ang mga biktima sa nasabing insidente. Ayon sa mga residente sa nasabing lugar, sila ang mga taong pinaghihinalaan ng mga teroristang NPA na nagbibigay impormasyon sa mga sundalo sa mga gawain ng kanilang grupo.
Kilala bilang mga nagsusuporta sa mga armadong NPA ang mga nasabing pinatay sa Sitio Agit. Nagbibigay ng pagkain, tinatanggap ng maluwag sa kanilang tahanan at nagbibigay ng maaari nilang kailanganin upang maitawid ang gutom, pagod at uhaw sa kabundukan. Pagkatapos patayin ang nasabing apat na sibilyan ay pinalayas ang iba pang hinihinalang impormante ng sundalo sa naturang lugar.
Pagpatay ang sukli sa mga tulong na binigay sa kanilang kababayan. Trauma at labis na paghihinagpis ang dulot nito sa mga naiwang anak at pamilya ng mga biktima. Kagustuhang makaganti ang sanhi ng nasabing karumaldumal na pagpatay sa mga biktima. Matatandaang Noong ika-23 ng Marso 2021, sila ang pangunahing suspek ng teroristang NPA na nagbigay ng impormasyon sa kasundaluhan na nagdulot ng pagkamatay ng teroristang NPA sa Sitio Agit.
Ayon kay Lieutenant Colonel Flores, “Lubos akong nakikisimpatya sa pagdadalamhati ng mga pamilya at anak ng apat na inosenteng sibilyan na pinatay sa kanilang tahanan. Ang ganitong karahasan ay hindi nararapat at hindi naayon sa ating batas. Nawa ay mabigyan ng katarungan ang mga buhay na nasayang, mga magulang na tinanggalan ng karapatan na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak, at mga taong nasira ang kinabukasan. Patuloy po kaming nananawagan sa publiko na palayasin ang teroristang NPA sa kanilang lugar at huwag ng patuluyin sa kanilang tahanan. Ang ganitong insidente ay hindi nararapat sa isang malayang bansa at demokratikong lipunan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-rebelde-pumatay-ng-mga-inosenteng-sibilyan-sa-negros-oriental/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.