Posted to Kalinaw News (May 8, 2021): Halagang Php 200,000.00 na tulong para sa mga dating rebeldeng NPA pormal ng nilagdaan ng DOST, Jones LGU at 86th Infantry Battalion
Jones, Isabela – Pormal nang nilagdaan ng Department of Science and Technology (DOST) Region 2, Local Government Unit (LGU) Jones, Isabela at 86th Infantry (Highlander) Battalion (86IB) ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Project CEST o Community Empowerment through Science and Technology noong ika-6 ng Mayo 2021.
Ang MOA ay nilagdaan nina Hon. Leticia Sebastian, Jones Mun Mayor; Dir. Lucio Calimag, DOST Provincial Director; at 2Lt Judily Ann C. Bugante, CMO Officer na humalili kay Lt. Col. Ali A. Alejo.
Nakapaloob sa nasabing MOA ang pagtulong sa mga dating rebelde at mga residente na nasa conflict affected areas ng nasabing bayan. Nagkakahalaga ng Php 200,000.00 ang ipinangakong tulong ng DOST upang makapag umpisa ng programa ang mga napiling benepisaryo.
Kamakailan lang, nagbigay na rin ang DOST-Isabela ng pagsasanay sa mga dating rebelde na nasa pangangalaga ng 86IB na bahagi pa rin ng programa ng NTF-ELCAC para sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Taos pusong nagpapasalamat naman ang 86IB sa DOST-Isabela at lokal na pamahalaan ng Jones, Isabela sa kanilang patuloy na pagsuporta upang maiparating ang tulong sa mga dating rebelde at residente ng nasabing bayan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/halagang-php-200000-00-na-tulong-para-sa-mga-dating-rebeldeng-npa-pormal-ng-nilagdaan-ng-dost-jones-lgu-at-86th-infantry-battalion/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.