Tuesday, January 12, 2021

Kalinaw News: 80th Infantry Brigade pinatunayang mga NPA ang mga nasawi sa Baras shootout

Posted to Kalinaw News (Jan 12, 2021): 80th Infantry Brigade pinatunayang mga NPA ang mga nasawi sa Baras shootout (By bhongmacana)



Pinasinungalingan ng isang opisyal ng Philippine Army na nakabase sa Baras, Rizal ang paratang ng KARAPATAN-Southern Tagalog na sibilyan ang napaulat na limang NPA na nasawi sa naganap na shootout sa pagitan ng magkasanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng mga elemento ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Malalim, Barangay San Juan, Baras, Rizal noong Disyembre 17, 2020 ng madaling-araw.

Matatandaan na nauwi sa shootout ang paghahain ng warrant of arrest ng mga kapulisan laban sa isang alias Dads/ alias Darwin, isang mataas na lider ng NPA, na may kasong frustrated murder at nagtatago sa San Juan, Baras, Rizal. Ayon kay Lieutenant Colonel Rimrad Feraer, Commanding Officer ng 80th Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal, “umaapaw” ang mga ebidensyang nagpapatunay na mga kasapi ng NPA (New People’s Army) ang limang nasawi. Ang mga kasamang nasawing NPA ay sina Vilma Salabao alias Sandra ng Candangal, Macalelon, Quezon; Wesley Obmerga alias Onli ng Malaking Ambling, Magdalena, Laguna; Carlito Simon ng Calawis, Antipolo City, Rizal; Nino Alberga ng Lambac, Mabitac, Laguna; at Jonathan Alberga ng Numero, Mabitac, Laguna. Dagdag ni Feraer, natukoy na ang limang nasawing NPA ay kasapi ng Tax Implementing Group (TIG) na nangongolekta ng extortion money at ng intelligence unit ng Sub-Regional Military Area–4A–Party Committee (SRMA-4A-PC) na nagooperate sa lalawigan ng Rizal, ilang bayan ng Bulacan at North Quezon. Nakarecover ang mga awtoridad sa crime scene ng dalawang M-16 na riple, isang .45 na kalibreng pistola, isang Uzi machine gun, isang .38 kalibre na rebolber, laptop, cellphone, subersibong dokumento at mga dokumentong pampinansya ng NPA tulad ng listahan ng mga negosyanteng nagbibigay ng tinatawag na revolutionary tax. By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014

Cover-up: Manggagawang-Bukid? Residente ng Baras?

Ani Feraer, pilit na pinagtatakpan ng KARAPATAN-ST ang tunay na identity ng limang nasawi sa pamamagitan ng paggigiit na manggagawang-bukid at residente ng Barangay San Juan, Baras, Rizal ang mga ito. Pero, ayon sa isang sulat na ipinadala ng St. Louis Realty Corporation, ang may-ari ng farm na pinangyarihan ng shootout, sa Baras Municipal Police Station, si Simon lang ang itinuturing nilang may koneksyon sa kanilang kompanya bilang freelance overseer. Inilinaw, sa kabilang banda, ng St. Louis na bilang freelance overseer ang tanging trabaho lamang ni Simon ay magbantay ng farm para hindi ito mapasok ng mga squatters. Dagdag pa ng St. Louis, wala silang kontrol sa oras ng pagtatrabaho ni Simon bilang freelance overseer. Ayon kay Feraer, lumalabas na hindi empleyado ng St. Louis ang limang napatay, maging si Simon. Samantala itinanggi ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Baras na residente nila ang limang nasawi sa encounter.

NPA

Umamin, ayon kay Feraer, ang brother-in-law ni Salabao na NPA ang asawa nito na pinaniniwalaang si alias Luis, ang kalihim ng Komiteng Larangang Gerilya – Cesar (KLG-Cesar) na nag-ooperate sa Rizal at bulubunduking barangay ng Bulacan. Samantala, aniya, si Obmerga alias Onli ay isa sa mga “seasoned” intelligence officer ng SRMA-4A at kolektor ng extortion money sa Rizal. Si Simon, ayon sa intelligence report na hawak ni Feraer, ay part-time member ng lokal na yunit gerilya (LYG) ng NPA na nag-ooperate sa area ng Antipolo, Baras at iba pang mga bayan sa paanan ng Sierra Madre. “Bukod dito,” paliwanag ni Feraer “maraming mga narecover na dokumento sa crime scene na nagpapatunay na mga NPA ang mga nasawi. Dagdag na ebidensya ito sa mga dati nang mga impormasyon hinggil sa tunay na pagkatao ng mga nasabing nasawi.”

Walang Torture

Pinabulaanan din ni Ferarer ang akusasyon ng KARAPATAN-ST na may naganap na torture at mutilation sa limang nasawing NPA. Aniya, paano nila nasabing may naganap na torture at mutilation nang wala naman nagawang forensic examination ang KARAPATAN-ST sa mga labi ng mga nasawi. Paliwanag pa ni Feraer “Ang mga sinasabi nila ay walang basehan kundi mga hakahaka ng mga hindi eksperto sa forensics. Ang sinasabi nilang nagsagawa ng “factfinding mission” ay hindi kwalipikado at hindi awtorisado na magsagawa ng forensics examination sa mga labi ng mga nasawi.”

https://www.kalinawnews.com/80th-infantry-brigade-pinatunayang-mga-npa-ang-mga-nasawi-sa-baras-shootout/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.