Posted to Kalinaw News (Oct 6, 2020): Mga dating miyembro ng NPA, nakatanggap ng tulong pinansyal
Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela– Iginawad na ang tulong pinansyal sa dalawamput anim na mga dating miyembro ng New People’s Army sa Bontoc, Mountain Province ngayong ika-5 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP, naibigay sa mga sumukong miyembro ng rebeldeng grupo (CPP-NPA) ang kanilang tig-20,000 pesos sa tulong ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development at ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang nasabing halaga ng pera ay nakalaan para sa pagpapatayo ng negosyo’t pangkabuhayan ng mga naturang benepisyaryo na iginawad mismo ni DSWD USec Rene Glenn O Paje kasama ang Provincial Government ng Mt. Province sa pangunguna ni Gov. Bonfacio Lacwasan at ng 503rd Infantry Brigade na pinamumunuan naman ni BGen Henry Doyaoen.
Ayon kay BGen Laurence E Mina, Commander, 5th Infantry Division, Philippine Army, nakahanda ang pamahalaan upang tulongan ang mga kapatid nating nalinlang ng CPP-NPA. “Nariyan ang E-CLIP para sa mga bababa pang mga miyembro ng rebeldeng grupo. Handa ang inyong kasundaluhan na umagapay sa inyong pagbabagong buhay katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan. Kung kaya, wala ng dahilan pa, para umanib sa CPP-NPA na walang naibibigay na totoong tulong kundi puto kahirapan, kaguluhan at kahirapan lamang sa mamamayan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-dating-miyembro-ng-npa-nakatanggap-ng-tulong-pinansyal/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.