Tuesday, September 15, 2020

Kalinaw News: Tulong pangkabuhayan ipinagkaloob sa mga dating rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan sa Isabela

Posted to Kalinaw News (Sep 15, 2020): Tulong pangkabuhayan ipinagkaloob sa mga dating rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan sa Isabela
Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela- Ipinagkaloob sa mga dating rebeldeng NPA ang tulong mula sa pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay sa tulong ng 95th Infantry (SALAKNIB) Battalion at ng 502nd Infantry (LIBERATOR) Brigade na ginanap sa Happy Farm Ville, CMFDC, Upi, Gamu, Isabela ngayong araw ika-14 ng Setyembre 2020.

Ipinamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang mga pangkabuhayan para sa higit 40 dating rebeldeng nagbalik loob ng Sari-Sari Store Package na kung saan sumailalim ang mga benepesyaryo sa serye ng pagsasanay sa programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa ng nasabing ahensya.
Ayon kay Dir Winston Singun, Provincial Director ng DTI Isabela, mayroon pang mga aasahang tulong mula sa kanilang ahensya ang kanilang ipagkakaloob sa mga sumuko sa gobyerno. Aniya, hindi nagtatapos sa kanilang mga nauna ng naipamahaging mga tulong ang pag agapay ng DTI sa pagbabagong buhay ng mga nagbalik loob sa pamahalaan. Batid umano ng kanilang ahensya na hindi lamang ang kasundaluhan ang may tungkulin na tumulong sa mga nalinlang na NPA kundi, trabaho ito ng lahat.

Sa naging mensahe naman ni LtCol Gladiuz C Calilan, Battalion Commander ng 95IB, ang mga natanggap ng mga FRs ay pamamaraan ng pasasalamat ng gobyerno sa kanilang pagwaksi sa armadong pakikibaka.

Ipinaabot naman ni Col Danilo D Benavides, ang pinuno ng 502nd Infantry Brigade ang kanyang pasasalamat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa patuloy na pag-alalay sa mga nagbabalik loob sa pamahalaan. “Nakapagsimula na tayo ng ating paunang hakbang para sa inyong pagbabagong buhay. Ang mga ipinagkaloob na ito ng DTI ay gamitin ninyo sa inyong muling pag-uumpisa ng matuwid na pamumuhay.”

Lubos naman ang pasasalamat ni BGen Laurence E Mina PA, Commander, 5th Infantry (STAR) Division, sa tuluy-tuloy na pagtulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maiparating ang serbisyo sa bawat mamamayan. “Ang pamamahagi ng mga proyektong pangkabuhayan sa mga dating rebelde ay pagpapatunay lamang na nakahanda ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tulungan kayo sa inyong pagbangon bilang parte ng komunidad.”





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/tulong-pangkabuhayan-ipinagkaloob-sa-mga-dating-rebeldeng-nagbalik-loob-sa-pamahalaan-sa-isabela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.