Wednesday, September 16, 2020

Kalinaw News: Buntis at dalawa pang pinabayaan ng kanilang kasamang CPP-NPA, sumuko at kinupkop ng Military

Posted to Kalinaw News (Sep 16, 2020): Buntis at dalawa pang pinabayaan ng kanilang kasamang CPP-NPA, sumuko at kinupkop ng Military
Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Matatandaan na netong ika-14 ng Setyembre ay boluntaryong sumuko sa awtoridad ang tatlong (3) miyembro ng CPP-NPA mula sa Platun 4A4, KLG CESAR, C (STRPC) kung saan isa dito ay walong (8) buwan ng buntis, menor de edad na na recruit at pawang mga Katutubong IP Dumagat.

Maliban sa hirap ng buhay sa kabundukan at pag-iwas sa pinaigting at pinalawak na operasyon ng 48IB, 80IB at 91IB kasama ang kapulisan ng 1st at 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) sa kabundukan ng Bulacan, Rizal,Aurora at Nueva Ecija, naging daan din ng kanilang pagsuko lalo na ni alyas Ka Lara ang hindi maayos na pagbibigay suporta ng mga kasama niya sa kilusan sa kanyang pagdadalang tao.
Di umano ay sawa na sila sa mga di natutupad na pangako ng mga CPP-NPA at sa mga maling ideolihiyang kanilang pilit na pinaglalaban.

Ang mga boluntaryong sumuko ay sina alyas Ka FPJ/Bekit- Squad Leader ng Platun 4A4 Komiteng Larangang Gerilya (KLG) CESAR, 32; Ka JM, 31, miyembro ng Platun 4A4, KLG CESAR at alyas Ka Lara/ Renren, 18 miyembro ng Platun 4A4, KLG CESAR.

Sa ngayon ay patuloy na inaaruga ng militar ang mga nagbalik-loob habang inaayos ang mga dokumentong kailangan para sa kanilang mga benepisyong matatanggap bunga ng boluntaryong pagsuko.

Inaasahan naman ni alyas Ka Lara na maayos niyang mailuwal ang nasasinapupunan ngayon na pinili niyang magbagong buhay at magbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander, “Laging bukas ang inyong Hukbong Katihan sa sinumang nagnanais na magbalik-loob at magbagong buhay. Katuwang ninyo kami sa pagbabago.”

Sambit ni Lieutenant Colonel Reandrew P. Rubio, Commanding Officer ng 91st IB, “Sila ay ipapasok natin sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na siyang magbibigay sa kanila ng tahanan, trabaho at pagkakakitaan bilang boluntaryong sumuko sa pamahalaan.”

Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez Commanding Officer ng 48IB ,”Patunay lamang ito na epektibo tayo sa ating mas pinaigting na operasyon laban sa mga CPP-NPA. Hindi pa huli ang lahat upang sumuko at yakapin ang pagbabago para sa kapayapaan at tuloy-tuloy na kaunlaran ng ating bayan.”



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/buntis-at-dalawa-pang-pinabayaan-ng-kanilang-kasamang-cpp-npa-sumuko-at-kinupkop-ng-military/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.