Posted to Kalinaw News (Sep 18, 2020): Apat na dating miyembro ng NPA, nakatanggap ng pangkabuhayan mula sa pamahalaan
Mula sa programang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o (PBG)”
ng Department of Trade and Industry (DTI) –Kalinga Provincial Office ay naipaabot sa apat na nagbalik-loob sa pamahalaan ang Sari-Sari Store package bilang panimula nilang pangkabuhayan. Maliban dito, nakatanggap din sila ng mga gamit pangsaka at mga Food Processing Equipment.
Sa mensahe ni Aurora Amilig, Tabuk City Information Officer, pinapurihan
niya ang programa ng DTI at ang pagsisikap ng mga kasundaluhan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga sumukong rebelde na magbagong buhay.
Pinasalamatan naman ni Captain Rigor N Pamittan, Civil-Military Operations
Officer ng 50IB ang DTI sa kanilang patuloy na pagsuporta sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan para sa mga sumukong rebelde. Aniya, sa
pamamagitan ng Whole of the Nation Approach, nakaalalay at laging handang
tumugon ang 50IB at mga ahensya ng pamahalaan para sa alalayan ang mga
sumukong NPA sa kanilang maayos na pagbabalik sa komunidad.
By 2028, a world-class Army that is a source of national pride. Honor. Patriotism. Duty.
Sa mensahe naman ni BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID, PA,
hindi magsasawa ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga nagbalik-loob at magbabalik-loob pang mga miyembro ng rebeldeng NPA. “Tunay ang pagnanais ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga sumukong rebelde upang makapagsimula silang mamuhay ng marangal. Patunay dito ang pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan upang maipaabot ang mga programa at serbisyo hindi lang sa mga dating rebelde, kundi pati na ang buong pamayanan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.