Ipinapakita ng isang kawani ng Palawan Rescue 165 ang tama ng bala sa ambulansiya na inambush ng pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA nito lamang Agosto 1 sa Sitio Stockpile, Bgy. Dumarao, Roxas, Palawan. (Larawan mula sa Palawan Rescue 165)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 4 (PIA) -- Mariing kinondena ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), sa pangunguna ni Gob. Jose Chavez Alvarez bilang Chairman, ang ginawang pag-ambush ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang ambulansiya ng Rescue 165 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Naganap ang nasabing pananambang sa Sitio Stock file Bgy. Dumarao, Roxas, Palawan nito lamang Agosto 1, kung saan nasawi ang isa sa mga fronliner na sakay nito at sugatan naman ang iba pa.
“Nakakalungkot isipin na sa gitna ng pandemya ay nagagawa pa ng mga teroristang NPA ang paghahasik ng kaharasan. Wala nang pinipili ang mga teroristang ito pati ambulansiya at mga sibilyan ay pinapatulan na. Ipinapakita lamang nito ang kanilang tutuong kulay at layunin na sirain ang katahimikan ng Palawan. Pati mga sibilyan ay pinapatos na nila na walang ibang layunin kundi ang magbigay takot at pangamba. Malinaw na sila ay walang respeto sa karapatang pangtao at Kangdaigdigang Batas sa Karapatang Pangtao (International Humanitarian Law) taliwas sa kanilang mga sinasabi at ipinapangako sa tao,” pahayag ni PTF-ELCAC Chairman Gov. Alvarez.
Nanawagan naman ang Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa lahat ng mamamayan nang pagkakaisa para labanan at sugpuin ang terorismo.
“Bigyan natin ng daan ang kapayapaan upang makamit natin ang kaunlaran sa lalawigan ng Palawan. Kondenahin ang terorismo at CPP-NPA!” ang mariing pahayag ng gobernador.
Ang nasabing ambulansiya ay pabalik na sa Bayan ng Dumaran kung saan ito nakatalaga matapos na maghatid ng pasyente sa Lungsod ng Puerto Princesa nang maganap ang pananambang. Ito na ang ika-apat na insidente ng pananambang ng pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA sa Palawan ngayong Hulyo at Agosto 2020. (OCJ/PIA-MIMAROPA)
https://pia.gov.ph/news/articles/1049378

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.