Thursday, August 6, 2020

Kalinaw News: Tatlong regular na miyembro ng New Peoples’s Army (NPA) nakatanggap ng mga tulong pinansyal, pangkabuhayan at kabayaran para sa mga baril na kanilang isinuko sa pamahalaan

Posted to Kalinaw News (Aug 6, 2020): Tatlong regular na miyembro ng New Peoples’s Army (NPA) nakatanggap ng mga tulong pinansyal, pangkabuhayan at kabayaran para sa mga baril na kanilang isinuko sa pamahalaan

BULALACAO, Oriental Mindoro – Nakatanggap ang tatlong regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) ng mga tulong pinansyal, pangkabuhayan at kabayaran sa mga baril na kanilang isinuko sa pamahalaan sa lalawigan ng Occidental Mindoro sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at Provincial/Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF/MTF-ELCAC) ng ating pamahalaan na ginanap sa Provincial Governor Sub-Office, Brgy Magbay, San Jose, Occidental Mindoro kahapon ika-04 ng Agusto ng taong ito.

Ang mga nagbalik loob na NPA ay kusang loob na sumuko sa pamahalaan dala ang kanilang mga baril nitong nakalipas na ika-17 ng Pebrero ng taong kasalukuyan. Dumaan sila sa mga masusing pagsisiyasat upang masiguro na sila ay talagang mga miyembro ng NPA at lumabas na sila ay mga dating miyembro ng Platoon GMT at Platoon Olip, KLG Silangan at ngayon ay Platoon CERNA ng Sub Regional Military Area (SRMA) 4D na nagsasagawa ng mga karahasan at pananakot sa mamamayan lalo na sa mga katutubong mangyan sa kanayunan dito sa Katimogang bahagi ng Occidental at Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni Hon Governor Eduardo B Gadiano, Chairman ng PTF-ELCAC ng Occidental Mindoro at ni Mr Juanito D Olave, DILG Provincial Director ang isang tradisyonal na seremonya bago ipagkaloob sa mga dating rebelde ang mga benipisyong kanilang makukuha para sa kanilang pagbabagong buhay kasama ang kanilang pamilya. Dinaluhan din ito nina Mr Edwin T Andoyo, ng TESDA, Mr Bernie Toriano, ng DOLE OccMin at nina Colonel Jose Agusto V Villareal, Commander, 203rd Infantry Brigade, Lieutenant Colonel Alexander M Arbolado, Commanding Officer ng 4th Infantry Battalion, Lieutenant Colonel Bienvenido R Hindang, Commanding Officer, 76th Infantry Battalion at ni Captain Ronnie Sarmiento, Civil-Military Operation (CMO) Officer, 203rd Infantry Brigade ang nasabing aktibidad.

Nakatanggap ang dalawa sa tatlong dating rebelde ng Php60,000.00 para sa baril na Springfield rifle Cal. 30 M1 Garand at Php40,000.00 para sa M1 Carbine rifle na kanilang dinala sa kanilang pagbalik loob sa pamahalaan.

Samantala, maliban sa bayad ng baril na natanggap ng dalawa, silang tatlo ay nakakuha din ng paunang tulong pinansyal na nagkakahalaga Php15,000.00 at tulong pangkabuhayan na Php50,000.00 bawat isa. Sa kabuuan umabot sa Php295,000.00 ang natanggap ng tatlong dating rebelde mula sa pamahalaan. Maliban sa mga perang kanilang natanggap sa kanilang pagbalik loob may iba pa silang mga benipisyo na matanggap mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maari pa nilang mapakinabangan sa kanilang pag bagong buhay.

Ayon sa tatlong nagbalik loob na NPA sa pamahalaan, malaki umano ang kanilang pagsisisi na sila ay umanib sa mga teroristang NPA dahil sinira umano ng mga ito ang kanilang kinabukasan at pamilya na kung saan sila ay pinangakuan na bibigyan ng Suporta para sa Pamilya nila o tinatawag na SOPAMIL ng mga terorista. Maliban dito nakikita umano nila ang kalupitan ng mga NPA sa mamamayan at taliwas ito sa kanilang sinasabi na sila umano ang tunay na tagapagtanggol ng mamamayan. Sila pala ang sumisira sa buhay ng mamamayan lalo na sa hanay ng kabataan.

Nananawagan din sila sa mga iilan nalang na dati nilang kasamahan na rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan mamuhay ng payapa para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya. Wala naman umanong magandang maidulot ang idolohiyang kanilang pinaniniwalaan sila ay ginagamit lang para sa pansariling kagustuhan ng kanilang pinuno.

Patuloy parin nananawagan sa mamamayan at sa mga miyembro ng teroristang NPA ang 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade sa pamumuno ni Colonel Jose Agusto V Villareal, Commander, 203rd Infantry Brigade kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng dalawang probinsya ng Mindoro na tuldukan na ang pagsusuporta at pagsama sa mapaglinlang at mapanggamit na teroristang grupong NPA at magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan na magbagong buhay.

Handa ang pamahalaan tanggapin muli at tulungan ang mga teroristang NPA na gustong mag bagong buhay. Sa mga aktibong miyembro ng NPA at taga suporta na nabulag sa katutuhanan at nalinlang sa gawaing terorista, huwag na kayo mag alinlangan pa lumapit lamang sa mga taong inyong pweding pagkatiwalaan para matulungan kayo sa inyong pag bagong buhay.

https://www.kalinawnews.com/tatlong-regular-na-miyembro-ng-new-peopless-army-npa-nakatanggap-ng-mga-tulong-pinansyal-pangkabuhayan-at-kabayaran-para-sa-mga-baril-na-kanilang-isinuko-sa-pamahalaan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.